Sienna's POV11pm
Nakatingin ako ngayon sa wall clock dito sa sala, para akong nahihibang na nakatulala sa bawat pitik ng orasan.Bukas ay ikakasal na ako.
Ilang oras nalang Mrs. DeCastro na ako.
Ang orasang tinitignan ko ay naging mukha ni Lester sa imahinasyon ko.
Tatlong araw nanligaw, Tatlong linggo bilang magkasintahan.
Ayaw nya din sa 3 e nuh! haha.
"Ate!!!"
Nagulat ako sa sigaw na iyon ni Serg sa mismong tenga ko. Sinimangutan ko sya, balak pa nya atang maikasal ako na basag ang eardrum.
"Kailangang manigaw!?" asik ko
"Kung hindi ko kasi gagawin yon hindi mo parin ako maririnig, kanina pa kita tinatawag."
'Eh? Ganun ba ako katulala para hindi sya marinig?'
"EheHehe, Bakit?"
Pinagkunutan nya ako ng noo "You're crazy inlove Ate, hindi mo pala talaga ako narinig, Kuya Lester's here. Nasa labas, pinapapasok ko ayaw e, tawagin nalang daw kita"
Hala, Diba bawal makita ng groom ang bride isang araw bago ikasal?.
Chaa! Ano nga ba yang mga pamahiin na yan. "Ahh, sige labasin ko na, thanks kapatid!!" tapos tumakbo na ako sa labas, papalapit na ako nang bumaba sya.
Mukha syang pagod, pero diba maayos na ang lahat? Wala naman inasikasong iba, Di ko nga alam kung sino mga makakasama namin bukas. Wala padin alam ang pamilya ko.
Paglapit ko sa kanya ay Di pa man ako nakakapagsalita ay bigla syang yumakap. Ramdam ko ang lalim ng paghinga.
Niluwagan ko ang yakap para matignan sya "Bakit Dear? May problema ba?"
Tumingin sya sa mga mata ko, humawak sa pisngi ko at inilagay ang mga takas na hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.
Nataranta ako ng biglang nangilid ang luha nya "Come with me, please?"
"Sige, papaalam lang ako" mabilis na sagot ko at pinakawalan nya na ako kaya naman mabilis din akong tumalikod at bumalik sa loob ng bahay.
"Serg, may pupuntahan lang kami ah, isarado mo na itong bahay" Kumuha ako ng papel, nagsulat ako ng note para kay mama, para pag nagising sya ay hindi nya na ako hanapin.
"Hindi ka dito matutulog? May problema ba si Kuya Lester, ate? Pareho kayong wala sa wisyo, kaibahan lang, ikaw mukhang kung saan-saan dinadala ng imagination while Kuya Lester e, mukhang problemado?"
Kung nitong mga nakalipas na linggo ay napapansin ko na palagi nyang binabasa ang mood ko, sa sinabi nya ngayon ay mukhang pati kay Lester ginagawa nya yun.
Hmmm
Pero nagmamadali ako ngayon, saka ko na sya tatanungin.
Pagsakay ko ng kotse ni Lester ay pinaandar nya na agad kaya hindi na ako nakapagtanong.
Kaya naman nya siguro ako sinama para makapagusap kami diba?, may oras para dun.Maya-maya lang ay papasok na kami sa isang exclusive village, tumingin lang ang guard sa kotse saka iminuwestra ang daan. Ibig sabihin kilala na ito ni kuya guard? Hindi naman dito ang bahay nila.
Tumigil kami sa tapat ng isang black&white na bahay. Bumaba sya agad at umikot para buksan naman ang pinto sa banda ko. Nakahawak sya sa kamay ko at iginiya ako papasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...