Chapter 24

2.3K 56 4
                                    

Sienna's POV

"Mommy, gising ka po. Hanap kana ni Siella" Nagising ako sa pagyugyog ni Sean sakin.

Teka!

Gising na daw si Siella!!

Mabilis akong nagtungo nang banyo at nagmumog saka pinuntahan na si Siella. Hindi na ako nagulat na nandito na ang buong DeCastro Family. Napaghandaan ko na ang sasabihin ko sa kambal pero nakakakaba parin hayyy!...

Mabilis akong lumapit kay Siella at agad syang tinanong.

"Okay ka na anak ko? Walang masakit sayo? Sabihin mo kay mommy.." Sunod sunod na tanong ko.

"Hihi Mommy, parehas po kayo nang tanong ni Kuya" Nakangiti nyang sagot sakin.

"Pero okay ka na ba talaga?"

"Opo. Mommy, baby mo po ako!" Itinaas nya na ang mga kamay nya para magpakarga.

"Serg paki-" Nahinto ko ang sasabihin ko dahil hindi pala ang kapatid ko ang katabi ko, pasimple kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya.

"A-Ahh, pwede mo ba buhatin si Siella tapos ikalong mo sya sakin. Dahan-dahan lang ah" Sabi ko kay Lester na ewan bakit parang tulala at napapalunok.

Maingat nya ngang binuhat si Siella, ako nama'y umalalay sa binti na may benda. Nalulungkot parin ako pagtitignan ang binti nya, pakiramdam ko, nagpabaya ako.

Nakakalong sakin si Siella at si Sean naman ay nakasiksik sa isang gilid ko, matamang nakatingin kay Lester.

Hayyy! Kailangan ko na talagang sabihin.

"Tito Snow!" Masiglang tili ni Siella.

"Ohayõgozaimasu Siella Hime" Sabi ni Snow paglapit samin.

**Good Morning Princess Siella**

"Ohayõgozaimasu po!"

"Here, himawari for you" Mula sa likod nya ay nag-abot sya ng sunflower.

"Wow, himawari!!! Arigatõ Tito Snow. Mommy oh! Himawari."

T/N : Himawari means Sunflower

"Woah! Ang ganda naman nyan!" Pagsakay ko sa kagalakan ni Siella.

Pagkatapos nun ay chineck-up na ni Snow si Siella. Tinanong-tanong, binilin ang mga gamot na dapat inumin saka nagpaalam. Habang papalabas sya ay habol sya nang tingin ni Lester. Binalewala ko nalang iyon at humugot na nang malalim na hininga.

Hayyy!!

Moment of truth na Sienna!!!

Tumingin ako sa lahat nang taong nandito, tahimik sila. Alam kong hinihintay nalang nila ang pagtatapat ko sa kambal.

"Sean, Siella," Pangalan palang nila ang nasasabi ko pero parang nilalamig na ata ako nang husto. Napatingin sila pareho sakin.

"D-Diba parati kayong may wish?" Kinakabahang umpisa ko.

"Wish po mommy?" Curious na tanong ni Sean. Tinanguan ko sya.

"Oo diba, parati kayong may isinasama sa prayers nyo pag nagpr-pray tayo?" Nakayuko na ang buong DeCastro family. Walang makatingin samin.

"Meron po mommy" Malungkot na pagkakasabi ni Siella. Sinulyapan ko si Sean na napapalabi. Alam ko, alam na nila ang tinutukoy ko.

"Ano nga ulit iyon?" Tanong ko. Matagal bago sila sumagot, kinailangan ko pa silang tignan isa-isa na parang sinasabi kong ayos lang na sabihin.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon