Chapter 14

1.7K 28 0
                                    

Sienna's POV

Negative.......

I forced a smile saka huminga ng malalim.

'Masyado lang maaga talaga'

Hinugasan ko ang pregnancy kit, itatago ko kasi 'to. Hmmm naiisip kong i-document hehehe...

Pagbukas ko ng banyo ay muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil nakaabang na pala ang asawa ko sa pinto, nabitawan ko ang kit na hawak ko. Mabilis ko iyong kinuha at itinago sa likod ko pero huli na, nakita nya na.

"What's that?" Asked Lester

"Ehehehe W-Wala" Masyado akong halata. Tinignan nya ako ng seryoso, nilabas ko na at pinakita sa kanya. "Negative e, surprise ko sana e, h-haha". Awkward na tawa ko.

"Are you alright Dear? I mean, may nararamdaman kaba na iba para maisip mo na you're pregnant?"

"Ahhh Wala. A-Ano kasi, Mama's advice, malay natin diba pag may baby na tayo, maging maayos na lahat. Alam mo na, yung sa family mo?". Nasabi ko naman sa kanya na nagkausap na kami ni Mama tungkol sa family nya pero hindi ko binanggit itong ipinayo sakin.

"Okay, but don't stress yourself too much, alright?"

"Hindi naman Dear, saka gusto ko din magkaroon tayo ng baby"

"Really?"

Hindi ba sya makapaniwala? Teka, "Ayaw mo paba magkababy?" Tanong ko na ikinanuot ng noo nya.

"Of course not, gusto ko Dear. Ayaw ko lang na masyado mo i-pressure ang sarili mo"

"Chaa! Hehe Sige po, hindi. Tara na doon!" Umabrisyete ako sa braso nya at naglakad na kami papunta sa hinanda ko.

Naging early dinner na namin ang mga hinanda ko. Pagkatapos namin maurungan ang mga pinagkainan namin ay umakyat na kami.

"Shower na tayo Dear, gawin na natin si baby" hinampas ko ng mahina sa braso nya ang asawa ko na tinawanan lang ako. "Hahaha!"

"Wait lang Dear may gagawin lang ako" Binuksan ko ang malaking cabinet, tumingin ako sa ilalim. Naghahanap kasi ako ng kahon ng sapatos. Nung may makita ako ay kinuha ko iyon. Kaya lang may laman pa sa loob.
"Akin na lang itong kahon Dear ah, sama ko na 'tong sapatos dun sa iba"

Tinanggal ko nga iyon at itinabi sa ibang mga sapatos nya saka ko kinuha ang bag ko at binuklat iyon. Namalayan ko nalang nakayakap na sa likod ko ang asawa ko at hinahalik-halikan ang leeg at batok ko.

"Saglit naman Dear" Sita ko pero hindi nya inintindi, itinuloy ko na lang din ang ginagawa ko. Kinuha ko ang dalawa pang prenancy kit na kasama sa binili ko kanina.

"Talagang balak mo itago yan sakin Dear? Hindi nga pala kita nakitang bumili nyan" pagkasabi nya ay itinuloy nya lang ulit ang ginagawa nyang paghalik.

'Hindi ako makapag-concentrate, nakikiliti akong mokong ka!'

"Binili ko 'to kanina lang Dear, lumabas ako ng Village hehe"

"Gusto mo mag-hire tayo ng driver para sayo? Para pag may gusto kang puntahan, kila Mama?"

Pag nababagot ako dito sa bahay ay pinupuntahan ko sila, umuuwi nalang ako nang hapon.

"Ayaw Dear" maiksing sagot ko. Tinanong nya na din ako noon tungkol sa pagkuha ng kasambahay para daw hindi ako napapagod pero ayaw ang sagot ko. Pero pag may baby na kami, papayag na ako para maalagaan ko nang mabuti, hihi.

Sa ngayon kaya ko naman itong bahay.

Sinulatan ko na ang kahon, naisip kong baguhin ang pangalan ng oplan ko, ang pangit kasi pakinggan.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon