Chapter 15 : 3rd Monthsary

2.1K 30 4
                                    

Sienna's POV

Hawak ko ang kahon ng 'Road to Baby' ko, dalawa na ang may sad face. Ilang linggo na ang lumipas matapos ang 2nd Monthsary namin, ginamit ko nung araw na iyon ang isang kit at negative ulit kaya sad face na naman ang iginuhit ko doon.

Ilang araw nalang din bago ang 3rd Monthsary, at sana hindi na sad face ang iguguhit ko sa panghuling kit na nandito.

Kahit kailan hindi ko pa naregaluhan ang asawa ko, palaging ipinagluluto ko lang sya. Samantalang sya palaging may binibigay sakin. Kahit sana simpleng regalo lang may maibigay ako sa kanya.

Bigla kong naisip yung mga raket namin nuon. Tama!! Kaya naman, hinanap ko agad ang pangalan ni Carla sa contacts ko at agad iyong ni-dial.

Chaa!, Naalala ko na naman yung pang iisa nya sakin nung na nandito sya sa bahay. Yung mga advice nya kuno ay mga kagagahan lang pala!. Napilitan akong sabihin iyon sa asawa ko dahil ayokong magtampo sya sakin dahil ayaw kong pagbigyan. Nagtaka din sya nung nilagyan ko ng unan ang balakang ko.

At nung sinabi ko iyon ay wala syang ginawa kundi ang pagtawanan ako, grabe!

Narinig kong sinagot na sa kabilang linya.

~Oh!, Sien, napatawag ka?~

"Carla, may raket kaba dyan? Sama mo naman ako"

~Nak ng pating!, yayamanin kana sasama ka pa sa raket ko?! Wag mo akong ginu-goodtime lukah!!!.~ Grabe, itong babaeng 'to, kailangang nakasigaw palagi?

Saka sino kaya samin ang nang goodtime nung nakaraan, diba sya?

"Seryoso naman kasi Carla. Isang araw lang, gusto ko lang may mabiling regalo para sa asawa ko na galing talaga sakin yung pinambili"

~Nako, ewan ko sayo! Gusto mo pang pahirapan sarili mo~

"Sige na naman oh!" Kailangan ko syang mapilit "Please..bestfriend!" Nilambingan ko pa ang boses ko, sana tumalab hehe.

~Letche!~

Napangisi ako, mukhang bibigay na sya, haha. "Please!!!!" At isa na naman malambing na pakiusap ko.

~Oo na, Oo na! Kailan ka ba pwede?~

"Basta bago mag 11 this month sana, kasi para makabili ako ng ireregalo ko sa kanya dahil 3rd Monthsary namin"

~Teka~ Narinig ko syang parang may mga binubuklat ~Sa mismong April 11 ang sideline ko. Oh, e, pano iyon? Kung bakit ba kasi, pwede naman yung pera dyan sayo ang ipambili mo. Ang dami mong mga pamahiin!~

"Nagregalo nga ako, sa kanya din namang pera, ganun din diba? Anong oras ba dapat at tingin mo anong oras matatapos?"

~Tsee!, Madaling araw nandun na dapat. Kasal iyon at gaya sayo madaming pamahiin iyong ikakasal. Gusto daw nilang maikasal bago pa pumutok ang araw. Nagagawa nga naman ng pag-ibig ano?!~

Saglit akong nag-isip "Carla, kung sa hugasin lang ako kaya naman iyon ng medyo late na ako diba. Kasi 8am umaalis si Lester pero pipilitin ko syang mapaaga ng alis. Tapos pagkaalis na pagkaalis nya pupunta na ako. May seremonyas pa naman ang kasal diba? Aabot ako bago pa mag umpisa kainan nila tapos aalis na din ako pagkatapos ko ma-urungan lahat ah,"

~At ikaw talaga mamimili ng oras at trabaho mo ano?!~

Kahit alam kong hindi nya makikita ay napalabi ako "Sige naman kasi, alam ko naman magagawan mo ng paraan yan" Malambing na naman na pagkakasabi ko.

~Oo na! Pasalamat ka nagpapahanap nga sakin ng makakatulong pa doon~

"Hehe...Thank you bestfriend!"

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon