Chapter 12

1.8K 31 0
                                    

Pamela's POV

Pagkasabi ng maid na si Kuya Lester ang nagdoorbell ay tumakbo agad si Ate Cindy. Saktong nakabukas na ang main door ng makita namin si Kuya and ohh!, Sienna, hindi ko inaasahan na magagawa nya pa pumunta dito pagkatapos ng mga nangyari. Si Mom and Dad ay halata din sa mukha na hindi nila inaasahan na kasama sya.

Where's Ate Cindy by the way!? Dapat ay sya ang nauna dito ah!.

Nasagot ang tanong ko nang masara ang pinto. Mas nauna ko pang nakita ang muntik nang pagkabuwal ni Sienna kesa kay Ate Cindy na nasa likod pala at syang humila ng buhok ng una. O_o

The hell!!?... Nagulat ako dun. So, nasa likod lang pala sya nung pinto at hinintay silang makapasok or more like si Sienna lang?

Darn!. That's cowardly move.

Dahil magkahawak sila ni Kuya ng kamay ay hindi sya tuluyang nabuwal, pareho din silang nagulat. Si Sienna ay hindi pa nakakabawi, nanlalaki parin mata nya. Si Kuya na agad ding nakabawi ay mabilis syang nailayo.

"Are you alright?" tanong ni Kuya na iniharang ang sarili nya kay Sienna. Tinanguan lang sya ng girlfriend.

Masamang tumitig si Kuya kay Ate Cindy na balewala lang yata ang ibang tao kasi tanging nakatuon ang tingin sa pinoprotektahan ni Kuya.

Natigilan sya nang mapatingin sa nakayakap na braso ni Kuya sa girlfriend nya. Shit!

Nagmadali kami sa paglakad pero bago pa kami tuluyang makalapit ay sumugod pa ulit si Ate Cindy, itinutulak nya si Kuya para marahil makuha nya si Sienna.

This is great!. >>.<<

"Ate Cindy tama na yan," awat ko pero mabilis syang siniklat ang braso nya na hawak ko saka lumapit ulit sa umaatras na sila Kuya. Napatingin ako kay Sienna na matalim na din ang tingin kay Ate Cindy. Pinipigilan nya ang galit nya, of course nandito sya sa bahay eh!,.

Bakit hindi mo magawa yun ni Ate Cindy? For pete's sake may pinag-aralan pero parang laking squatters ang inaasta mo ngayon!!!. >>_<<

"Cindy!" saway na din ni Mom and Dad

I've never been in a situation like this na may inaawat akong babaeng parang walang delikadesang nanunugod. Hindi man lang ginalang itong bahay namin. Nag-uumpisa na akong mainis. >>>_<<<

Pakkkkkkkkkk!!!

Literal na nanlaki ang mata ko at napatakip pa sa bibig kong napanganga.

Sinampal ni Kuya si Ate Cindy!!!!!! o_O

Walang nakakilos, parang may dumaang hangin sa gitna namin. Si Ate Cindy ay napahawak sa pisnging sinampal ni Kuya, nanlalaki din ang mata nya, hindi makapaniwala. Si Sienna ay ganun din tapos humawak sa braso ni Kuya, ngayon parang sya na ang pumapagitan sa kanila dahil sa nag-aalab na galit ni Kuya kay Ate Cindy.

Never akong napagbuhatan ng kamay ni Kuya kahit noong mga bata palang kami. Ibig sabihin ay talagang galit sya kay Ate Cindy kaya nasampal nya na. O_O

I heaved a deep sigh!. Inaawat na kasi ayaw pang paawat. --.--

Ayan! Edi nasampal ka. -_-

Napatingin ako sa pisngi nya at kulang nalang bumakat ang palad ni Kuya dun. Pulang-pula yon.

I didn't feel sorry for her though, nabwisit na kasi ako kanina na pati tong bahay namin nababastos nya.

"Cindy, touch my wife again and I swear, you'll gonna regret it!" Si Kuya na binasag ang katahimikan pero mas lalo lang kaming natigagal sa sinabi nya.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon