Chapter 5

2.4K 49 2
                                    

Sienna's POV

Agad nya akong tinanong pagkalapit nya sakin "Kumain ka na?"

"A-Ahhh Hindi pa e, pinatapos na muna lahat ng gagawin para pagkatapos daw uuwi nalang." Buset na ngitiang yun nakawala ng katinuan e,

Nagtaka naman ako kasi kumunot ang noo nya, ganito sya pag nagagalit e, pero bakit?. "Miss Santos..." tawag nya saka tumingin dun sa babaeng mataray kanina.

"Yes Sir?" sagot naman ni miss mataray kay Lester.

"Bakit hindi pa muna inuna ang pagkain?" Sumulyap sya sa wristwatch nya saka nagsalita ulit "Its midnight already, kung hindi mo pa napapansin, Ganyan kaba parati humawak ng tao?" Hala! nanermon sya.

"A-Ano Sir...." Wala syang mahanap na sasabihin. Tinignan ko si Lester at naka kunot parin noo nya, galit parin.

Nakatingin na samin ang lahat, ang kaninang mando ng mando at nagtataray ay nasesermonan ngayon.

"Okay lang naman yun, ayos nga yun para pagkatapos uwian nalang, ano kaba oy! Tara na sa dining hall" Hinawakan ko na sya sa braso at iginiya papaalis "Saka papakilala kita dito sa bestfriend ko" sabi ko habang naglalakad kami, si Carla ay nasa gilid ko lang.

Nang makarating kami sa hall at makaupo ay nagprisinta si Lester na sya na kukuha ng foods namin. Pagbalik nya ay may dala na syang tray laman ang foodsssssss namin, napakadami. May kasama pa syang tumulong sa kanya sa pagbubuhat.

Pagkaupo nya at bago pa kami magsimulang kumain ay pinakilala ko na muna si Lester at Carla sa isa't-isa.
Nagkamayan ang dalawa nag-hi lang si Carla kay Lester, tahimik ang hitad, kala mo hindi makabasag pinggan haha.

"Oy! Babae, tahimik mo ah, hindi ako sanay" Bulong ko kay Carla.

"Kasi naman Sien, Intimidating ang dating nya e," Bulong din nya sakin.

"Mabait yan nuh!" depensa ko

"Wala naman ako sinabing hindi, kaya lang, the fact na sila ang may-ari nito tapos kasama natin sya, yun na yun basta" napatigil sya kasi nakatingin pala samin si Lester.

"Pag nakilala mo sya....hmmm pag nasa bahay sya message kita ah, pumunta ka para makilala mo sya talaga"

Ngumiti ako at nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

Nasa kotse na kami ni Lester ngayon at papauwi na, gustuhin ko mang kasabay si Carla ay hindi naman uubra. Gulong or Bubong lang ang pagpipilian nya, kasi naman bakit two seater ang kotse nitong lalaking to!. Pang binata tsk..

Kahit pagod ay pinili kong hindi matulog para may makausap habang nagdr-drive si Lester, isa pa'y tinulungan nya ako kanina kaya pagod din sya diba. Nagpapalitan kami ng tanong tungkol sa isa't-isa. Nalaman kong 25 years old na sya, limang taon tanda nya sakin. Dalawa lang din silang magkakapatid, ang parents nya kasama nila.

"Nandito pala sa Manila mga business nyo, bakit sa Bulacan parin kayo nakatira?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat sya "Ayaw ng parents ko alisan yung bahay namin sa Malolos e, sentimental value I guess."

Nakwento nya din ang dalawang bestfriend nya sakin, sila lang daw palaging tatlo ang magkakasama, hindi na kumaibigan ng iba pa. Isang tahimik at walang pakialam sa paligid, isang cassanova at sya na boy next door....paano kaya sila nagkakasundo gayong magkakaiba sila ng ugali?.

"May trabaho kayo bukas?" biglang tanong nya saka bumaling saglit sa gawi ko

Tumango ako "Bakit?" tanong ko

"Luis' birthday isasama sana kita"

"Ahh sayang naman... December kasi e, kaya sunod sunod events namin" sabi ko nalang, pero Di naman talaga ako ganon kahinayang, gusto ko din naman makilala friends nya kaya lang importante sakin ang trabaho.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon