Chapter 16

2K 42 4
                                    

Sienna's POV

"Anong ibig-sabihin nito?!!!" Ang nakakagulantang na sigaw ng asawa ko.

Naramdaman ko ang daloy ng pawis pababa sa pisngi ko.

"Ahhhhhh!" Napatili ako dahil nasapak na pala ng asawa ko si Snow na gulat na gulat din sa mga nangyayari. Syempre nga naman ikaw ba naman ang magising sa sapak at sa hindi mo pa alam na lugar. Wala naman syang malay nung dumating dito.

"Dear, magpapaliwanag ako. Dear!!!" Hindi ko alam kung paano umawat ng nagsasapakan. Hindi pala, ang asawa ko lang ang nanununtok dahil si Snow ay bakas parin ang ka walang ideya sa nangyayari.

Kinuha ko ang isang braso ng asawa ko. "Dear, magpapaliwanag ako!"

"You!" Dinuro nya ako at may murang sasabihin pa ata pero hindi naituloy "Papatayin ko itong lalaki mo!"

"Huh? Anong lalaki? Oo lalaki sya, pero hindi ko sya lalaki!" Tumingin ako kay Snow "Umalis ka na, please" Inaalala kong baka mapatay nga sya sa suntok ng asawa ko. Akmang susugod pa ulit si Lester "Umalis kana!!!" Bulyaw ko na saka sya nagmadali ngang tumakbo palabas. Humabol pa ang asawa ko kahit hawak-hawak ko na ang damit nya para mapigilan sa paglalakad pero masyado syang malakas, ako pa ang parang nakakaladkad.

Pagdating namin sa salas ay wala na si Snow, tumigil na din ang asawa ko sa paghabol. Napatingin sya center table kung saan ko nilagay kanina iyong dalawang pineapple juice na tinimpla ko.

Sinipa nya iyong mesa, basag!

Ang pineapple juice ko huhu.

"Dear, bakit ka ba nagkakaganyan? Magpapaliwanag ak-"

"Shut up!!! I don't need crappy explanations from you, Bitch!" Sigaw nya, namumula talaga sya sa galit.

Napanganga ako sa sinabi nya, sa tinawag nya sa'kin.

Ano daw???

Bitch??

Ako? Bitch?

'Ang asawa ko sinabihan akong bitch?'

Hindi ako makapaniwala, isang salita lang iyon. Pero tagos-tagusan dahil sa kanya nanggaling. Unti-unti kong naitikom ang bibig ko, nanghina ata ang tuhod ko kaya napaluhod ako.

Hindi ko maintindihan!!!...Wala akong maintindihan!!!.....

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit nya. Buti sana kung naabutan nya na may ginagawa kami ni Snow pero wala e. Nakatayo lang ako sa gilid ng kama, hindi din naman sarado ang pinto.

Bakit nang makita nya kami ay lalaki ko agad iyon ang una nyang naisip?

Ganoon ba sya kawalang tiwala sa'kin at tingin nya ba talaga bitch ako kaya iyon agad ang inisip nya?

Tunog ng sasakyan ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip. Napatayo ako at agad na lumabas. Kahit isang minuto lang pag nasabi ko naman na sa kanya magiging maayos na ulit kami. Isang minuto lang ang kailangan ko.

Nagmadali ako dahil umaandar na ang kotse nya at bukas na din ang gate.

"Dear!! Magpapaliwanag ako, Dear!" Sigaw ko at kinakalampag ko ang bintana nya pero patuloy lang sya sa pagpapaandar, ni hindi tumitingin sa gawi ko.

Nang tuluyan syang makalabas ng gate ay mabilis nya nang pinaharurot ang kotse nya. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala sa kalsada nang magdesisyon akong bumalik na ng bahay. Isinarado ko ang gate, nandito pa ang porsche nya pero di naman ako marunong mag drive kaya paano ko syang mahahabol.

Tulala parin nang mapaupo ako dito sa sofa, tagusan ang tingin ko sa basag na mesa.

Naramdaman ko nalang ang mainit na likidong dumadaloy magkabilaan sa pisngi ko. Sunod-sunod ang pag-agos noon dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayong mga oras na ito.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon