Sienna's POV
Pagkababa ko ay ang ngiting-ngiting si Pamela ang sumalubong sakin. Nagtaka ako dahil alam nilang maaga ang alis namin kaya bakit sya nagpunta pa dito at sa dalawang kasama nya,
"Hello Ate!"
"Hi Pamela! Bakit dumaan ka pa dito? Buti pala hindi pa kami nakaalis" Saka ako tumingin sa dalawang kasama nya.
"Yeah" she paused "Ate Sienna, they're the makeup artist for your cosplay para achieve mo yung character" Pagpapakilala nya
"Hello Madam!/Hello Madam!" Sabay na bati nila sakin
"Hello sa inyo mga Atii! Beso-beso!!" Beso sa isa "Oh!" Beso sa pangalawa "Pak!" Then hinarap ko ulit si Pamela
"Kaya ko naman, saka wala naman talaga akong character. Magki-kimono lang din ako" Napalinga-linga ako "Nasaan ang twins?"
"Errrr?? I thought si Hinata Uzumaki ang character mo dahil bagay sa characters ng twins. Hinata's their mother right? Wife ni Naruto. I'm no fan of anime kasi, nag-research lang ako para sa cosplay ko. Nasa kotse na ang twins, kunin ko na sila. Para 'di ka na maabala" Kinuha na nya ang bag nya at isinabit sa balikat saka bumeso sakin "Gotta go Ate, Bye!"
"Hah?" Tanging nasabi ko dahil sa bilis nyang nagsalita. Hindi pa ata nag sink in sakin. Kumaway lang sya saka lumabas na agad ng bahay.
"Tara na Madam, papabonggahin ka na namiiinn!!"
"Anong mga name nyo?" Tanong ko
"Ay, Ako si Katya, Madam"
"Brendalicious naman ako Madam"
"Hi Katya and Brenda!" Hayy..Wala na ata akong magagawa pa "Sige na, makeupan nyo na nga ako"
Pumunta kami sa guest room at doon nga nila ako inayusan. Matapos ang eye makeup ay pumikit ako at hindi nga nagtagal, nakatulog ako.
"Madam! Ay, gising. Walang prince charming na hahalik, dahil princess din kaming dalawa" Rinig kong panggigising ni Katya sakin. Pagdilat ko ay ganoon na lang ang pagkagulat ko sa itchura ko sa salamin.
"Hala sya!" Hahawakan ko sana ang buhok ko pero pinigilan ako ni Brenda.
"Wag mo hawakan, Madam. Magugulo, todo-effort ako sa pag-aayos nyan!" Sabay palo nya sa balikat ko.
"Binonggahan nyo nga masyado e nuh!" Paano ang buhok ko ay naka braid na pagkaganda-ganda. Nilagyan pa ng mga pampakinang. Meron pang malaking puting bulaklak sa gilid.
"Hayaan mo na yan Madam. Ito na yung isusuot mo" Iminuwestra ni Katya ang kama, pagtingin ko sa sinasabi nyang isusuot ko ay ganoon nalang ang kunot ng noo ko.
"Bakit ganyan mga Atii? Saka nandun na sa house ng friend ko yung kimono ko"
"Cosplay diba?" Brenda
"Yun na nga. Chaa! e, gown yan, wedding gown!" Turo ko sa gown.
"Ang sabi samin si Hinata ka daw" May nilabas syang...picture? "Oh! Tignan mo Madam, ito yung character mo, naka wedding gown sya. Pati yung ayos ng buhok ginaya namin, may flowers diiin!"
"Hindi nga lang yung bangs at yung white eyes nya. Bihis ka na Madam, mag-aalas tres na" Katya
Napatingin ako sa orasan at mag-aalas tres na nga. Ibig sabihin, apat na oras akong inayusan?
"Joke yang ipapasuot nyo sakin mga Atii. Teka! tawagan ko yung friend ko ah" Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan na nga si Carla.
"Hello Carla"
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...