Sienna's POV
Napansin ko ang mga nakikiusyosong mga kapitbahay namin, nakatingin din sila sa papalayong sasakyan ni Lester at nang mapatingin sakin ay alam kong magtatanong sila kaya naman dali dali na'kong pumasok sa loob ng bahay. Nakangisi ang kapatid kong si Sergio nanunukso ang tingin, si mama ay ganun din. Maging sila ay hindi ko yata handang harapin at saka ramdam ko ang pamumula ko kaya naman madali akong nagpaalam na magbibihis muna, may sasabihin pa dapat ang kapatid ko pero tumakbo na ako papasok ng kwarto.
Chaa! Hanggang balikat lang naman ang buhok ko pero feeling ko ang haba haba , abot lupa haha. Pano kaya pag i-kwento ko to kay Carla, maniniwla kaya yun, sasabihin nun natuluyan na akong baliw dahil diba nga lalaking kinababaliwan ko daw. Pero Di ko ata kayang kimkimin ang kilig , ikwekwento ko talaga sa kanya pag nagkita kami. hihih.
Nasa hapag na kami para mag hapunan at lintek naman talaga ang tingin sakin lalo na ng kapatid ko, Di pa yan nagsasalita ah, nanunukso na.
"Ehem...." ayan na uumpisahan nya na , kunwaring ubo pa more "Saan mo nakilala si Lester ate? Kaw ah! Hindi ka nagkwekwento samin ni mama"
"Nakita ko sya nung isang gabi lang, bisita sya nung birthday celebrant. Di ko nga akalain na napansin din nya 'ko" paliwanag ko
"Din? Ibig sabihin napansin mo sya"
"Eh? Sino bang hindi, tignan mo naman kung gaano kagwapo yun"
"Kuh! Gusto mo din ba ang lalaking yun 'nak? Nako magpakipot ka muna, dalagang pilipina ba," si mama
"Naku 'ma pag hindi pa yun sinagot ni ate baka mamaya mabagok pa yun, matauhan." Lumingon sya sakin "Kaya sagutin mo agad ate haha"
Wow ah! Pero totoo din naman , baka mamaya nabibigla lang talaga yung lalaking yun , ang hirap paniwalaang nanliligaw sya sakin. Di kaya nantritrip lang yun?
"Ikaw Sergio. Kuh, maganda naman ang ate mo, hindi naman katakataka na may manligaw dyan" pagdedepensa sakin ni mama.
"Ma, totoo naman din si Serg, ang hirap paniwalaan na may manlilgaw sakin na ganun kagwapo at kayaman, nakita nyo ba sasakyan nya? Pang ubod ng yaman e, nantritrip lang ata yun" isinatinig ko na yung nasa isip ko.
"No, tingin ko hindi ganun, mag-aalas otso ka dumating diba, alas kwatro palang kaya nandito na yun, Kung trip lang yun Di ka nun pupuntahan dito sa bahay mismo, hinintay ka pa ng apat na oras" si Sergio namula naman ako nyan. "Saka he's matured ate, hindi sya yung tipo na mag-aaksaya ng oras makapangtrip lang."
Natapos kami sa hapunan, nung mahiga na ako ay tumunog ang cellphone ko dahil sa text galing sa unregistered number.
From unknown no.
See you tomorrow. I'll pick you up at 12nn.
Goodnight!
:-)
-LesterSi Sergio panigurado nagbigay ng no. ko sa kanya.
Composed message
Sige, goodnight! :-)
-SiennaGanyan lang reply ko pero nakailang delete ako nyan at type bago i-send. Yung lalaking yun kasi hayy! Ngayon ang problema ko ang pagtulog, kung iisipin ko sya magdamag hindi pwede dahil ayoko namang nangingitim mata ko bukas sa unang date namin. Unang date na mangyayari sa buhay ko, anu ba ginagawa sa date? Wala akong idea, ano kaya magaganap bukas? Saan nya kaya ako idedate?
_____kinabukasan_________
Napatingin ako sa alarm clock ko, 6am hindi naman ako nag alarm pero ang aga ko magising, buti nalang din napilit ko ang sarili kong matulog ng maaga, ngayon excited ako ohmy! My first date ever... Paglabas ko ng kwarto ay nasa sala si Sergio, naghahanda sa pagpasok. Si mama ay wala, nagtitinda na yun.
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...