Sienna's POV
Nandito na kami ngayon sa hotel room namin, nakaupo kami dito sa gilid ng kama at pinapanuod namin ang mga kuha ng drone nya kanina. Ang ganda pala talaga lalo ng isla. Grabe lang yung aerial shot.
Nakuha pati yung proposal nya sakin kanina. Nagtutubig mata ko habang nanunuod. Ang swerte-swerte ko na dumating sya sa buhay ko.
"I Love You Sienna Dear...."
Ang asukal talaga nitong lalaking 'to. "Mahal din kita" sagot ko
"Mas mahal kita"
Lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo, bahagya syang nagtaka sa reaction ko.
"B-Bakit?" tanong nya
Tinignan ko sya sa mata saka nagpakawala ng hangin. Sya nama'y nagtataka parin.
"I'm sorry" simula ko
This time ay sya naman ang kumunot noo. Sinenyasan ko syang wag na muna magsalita.
"I'm sorry kasi hindi ko naipapadama sayo na parehas tayo ng nararamdaman, pero pangako balang-araw magagawa ko yon." ngumiti ako "Balang-araw mapapatunayan ko sayo na kung gaano mo ako kamahal ganun din ako" seryosong seryoso talaga ako.
"Pffffttt Dear..... Why so serious? Lambing lang yon" kinuha nya sakin ang hawak ko at itinabi. "And besides, dapat lang na ako ang mas magmahal sayo kasi ako ang lalaki" niyakap nya ako pero naalis din yun agad dahil hinarap ko na naman sya.
"Hindi nga Dear, hindi pwedeng mas lamang ang isa, kailangan pareho!!!" Sigaw ko na, seryoso nga kasi ako.
Itinaas nya ang kamay nya pareho na parang sumusuko "Okay sige..Noted! pero tinawag mo na din akong Dear ah, wow!"
Ngumiti sya, malawak na ngiti. Napangiti din ako dahil yung ngiti nyang yan talaga ang gustong gusto kong palaging nakikita. Pero oo nga noh! natawag ko syang Dear, nagkusa nalang lumabas sa bibig ko.
Hinawakan nya ang pisngi ko at tumitig ng mabuti sa mga mata ko, nadadala ako non, nahihigop ng mga tingin nya.
"Thank you" sabi nya
Dapat ba akong sumagot ng welcome? Pero hindi ko kasi alam kung para saan at nagpapasalamat sya. Pero hindi ako makapagsalita. Isang magandang sandali para sakin ang mga tinging ibinibigay nya sakin ngayon, ayokong sirain.
I feel safe.........
Ewan, bakit safe ang pakiramdam ko sa mga tingin nya, na parang wala akong dapat alalahanin. Sinapo ng palad ko ang palad nyang nasa pisngi ko, pumikit ako at dinama yon. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to.
Naisip ko ang kaibahan namin sa buhay, wala na akong pakialam sa ibang bagay.
"Dear..." mahinang tawag nya sakin at pagdilat ng mga mata ko ay nasa labi ko na ang labi nya. Gumalaw iyon at saka naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko, inilalapit ako lalo sa kanya. Napa bitaw ako sa kamay nya, napunta ang hawak ko sa dibdib nya, masyado kaming malapit kaya doon iyon bumagsak.
Lumalim ang halik nya, sinisiil nya ang pang-ibabang labi ko, nadadala na ako sa sensasyong ipinadadama nya sakin. Ang palad kong nasa dibdib nya ay unti-unti kong iniakyat papunta sa batok nya. Saglit kong inaral ang ritmo ng paghalik nya at nang makuha ko iyon ay gumanti ako ng paghalik.
Naramdaman ko ang pag ngiti nya dahil sa pagtugon ko kaya naman mas lalo pa iyong lumalim, nasa loob na nang bibig ko ang dila nya. Napakuyom ng palad ang isang kamay ko,
anong nangyayari sakin!!!...
Nakukulangan ako........
Naririnig ko ba yung sariling iniisip ko!? What The eF??? Pero kasi ayon talaga e, nakukulangan ako. Ilang minuto na kasi kaming naghahalikan. Ang kamay kong nasa batok nya ay idinidiin na ang mukha nya sa mukha ko, nagkukusa na ang mga kilos ko. Bumaba ang halik nya papunta sa leeg ko, sa punong tainga, pabalik sa leeg at pabalik sa labi. Alam ko, nagugustuhan ko iyon.

BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...