Sienna's POV
Napatingin si Lester sa wrist watch nya at saka tumingin sakin "7pm na Sienna uhmm... hatid na kita? Lunch lang ang paalam ko sa mom mo e."
"Sige...tara" ako
8pm nang makarating kami dito sa bahay. "Bro" bati ni Lester kay Serg na nasa sala at nanonood ng TV,
"Hey... ayos ba date nyo?" Si Serg sabay fist bump kay Lester.
Napasilip ako ng kusina nandun yata si mama at nagluluto ng panghapunan. "Dun muna ako sa kusina, tutulong magluto uhmm Lester, dito kana mag dinner. Kung ayos lang sayo?" Nag-alangan kasi ako baka maselan sya sa pagkain.
"Wow sure!! Salamat sa pag invite" nakahinga ako duon, masaya syang inimbitahan ko sya.
"Sige dun na ako" tinuro ko ang kusina "si Serg muna ang bahala sayo dito"
"Oo ate, wag ka mag-alala kay Kuya Lester haha" Kuya Lester? Siningkitan ko sya ng mata, warning yon. Baka sabihin nya yung sinabi ko kanina na excited din ako e, saka ako lumapit ng kusina. Nandito nga si mama, tinignan ko mga ginagawa nya, magluluto sya adobo hmmm...
"Oh! Nandito ka na pala, ay si Lester? Tanong saken ni mama
"Nandun sa salas ma, kausap si Serg, ako na dito sa adobo ma, uhm nasabi ko kay Lester dito na maggabihan" umupo na ako at sinimulan ang paghihiwa ng sibuyas
"Oh sige, e, kamusta ba ang araw nyo?" Natawa ako ng bahagya, makikichismis pa ata nanay ko haha
"Okay naman ma, dinala nya ako dun sa Christmas Park meron pala nun dito sa bayan. Sa San Gabriel lang, ang ganda dun ma, nakakarelax." Huhu etong mga sibuyas tsh kakasurang maghiwa talaga nito.
"Ay hindi ko din alam yun, importante nag-enjoy ka?" Patanong na sabi ni mama kaya tumango ako "Mainam naman, wala na ako gagawin dito kuh! inagaw mo na e," natawa ako "dun nalang din ako sala"
"Sige ma," humakbang na nga sya papunta sa sala, ako nama'y isinunod na sa paghiwa ang bawang at patatas. Madami ang hiwa ng manok ah! Mukhang inasahan ni mama na dito maghahapunan si Lester. Naririnig ko na nagkwekwentuhan sila pero Di ko naiintindihan ang usapan maya-maya ay tawanan. Tumayo ako ng matapos sa paghihiwa. Hinugasan ko na ang mga manok, pinigaan ng kalamansi para mawala ang lansa. Pagkatapos ay nagpainit na ako ng kawali,.... iginisa ko ang mga manok para siguradong mawawala ang lansa saka tinimplahan ng toyo at suka. Inilagay ko na din ang patatas. Kumuha ako ng knorr soup mix , buti meron pa nito makakagawa ako ng soup, hmmm cream of mushroom. Nagpapakulo na ako ng tubig nang dumating dito sa kusina si Lester.
"Anong niluluto mo?" tanong nya saka lumapit saken at tinignan ang ginagawa ko. "Tubig?" Pinipigil nito ang tumawa. Hmp! Nang-asar pa talaga.
"Adobo po, nagluluto po ako ng adobo!, para sa soup yan" i rolled my eyes
Itinaas nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko "Haha kidding....peace"
"A-Ahh eh, okay lang ba sayo ang chicken adobo? Tanong ko, baka kasi hindi sya kumakain ng adobo e, simpleng ulam yun e,
"Oo naman" ngumiti sya "Excited na nga ako kumain ng luto mo"
Napangiti din ako "Mmm maya-maya lang okay na yan" kumuha ako ng mangkok, nilagyan ng tubig at ibinuhos duon ang soup mix saka iyon pinatunaw, humakbang ako para kuhanin sa ref ang cheddar cheese nang mahagip ng mata ko ang mga nasa ibabaw ng lamesa. Cake at ano yun nakaplastic pa at may dahon ng saging kaya Di ko matukoy kung ano. "Binili mo?" tukoy ko sa cake. Tumango naman si Lester "Di kana sana nag-abala pero salamat" chaa! Favorite ko ang cake. Minamata mata ko yun pano ba naman chocolate flavor.
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...