Chapter 28

2.4K 52 5
                                    

Sienna's POV

Bumabyahe na kami ni Snow pero hindi parin sya matigil sa maya't-mayang pag-iling at himas sa batok. Kotse nya ang gamit namin.

"Ne!" Finally! nagsalita din. Kanina kasi ay tinanong ko na sya kung bakit pero umiling lang sya.
*Hey!

"Soreha Nandesuka?" Tanong ko
*What is it?

"Kare wa shitto shiteru.." Seryosong sagot nya.
*He is jealous..

"Lester?" Tanong kong naninigurado

"Hai!" Tuloy lang sya sa pagdr-drive. Ang sabi nya kanina kila Sean ay uuwi kami agad. Naninigurado kasi ang mga anak ko na dapat matuloy ang game nila.
*Yes!

"Watashi wa sõ wa omowanai" Sagot ko saka tumingin nalang sa labas ng bintana.
*I don't think so

"Hontõni?" Natunugan ko sa kanya ang tonong nang-aasar.
*Really?

"Hai! Teka nga! Nosebleed na ako ah. Pwede naman tagalog e nuh!" Bahagyang singhal ko pero para na din maiba ang usapan, hindi ako kumportable na sya ang topic.

"Hahahaha! Gomen'nasai"
*I'm sorry

Binalik ko sa labas ang tingin ko. Totoo naman yung sinagot ko sa kanya. Hindi ko kinakakitaan ng selos si Lester. Ewan bakit walkout sya kanina pero ang selos na iniisip nya ay impossible. Hindi na sya ang dating Lester, kasi kung sya ang dating Lester hindi iyon papayag na umalis ako kasama ang kahit sino.

Hayy!!

Aware na ako sa pagbabago sakin, sa nararamdaman ko....na naman!!!. Pero this time, ayoko nang magkamali at magpadalos-dalos. Pipigilan ko itong nararamdaman ko hangga't hindi pa ganun kalala gaya dati. Pipigilan ko dahil hindi naman matutugunan.

__
Madami na akong nakuhang anime figures na regalo ko sa dalawa. Naisip kong bahala na ang organizer sa party dahil marami palang bisita ang mga DeCastro kaya souvenirs para sa mga batang dadalo nalang ang gagawin ko. Namili ako ng mga key chains, plushies, Akatsuki ring at mga figures din ng ibang anime.

"Look Sienna!" Pumunta naman ako sa pwesto nya "Ninja scrolls, plastic kunai and shurikens haha, cool!" Natawa ako dahil sa pagkinang ng mga mata nya.

"Alam mo Snow, hindi ko talaga akalaing doctor ka pfffft!"

"Haha! Yeah, dami nga nagsasabi sakin. I guess I'm not really dignified" Kibit balikat nyang sabi.

"Hala sya! Hindi sa ganon yun noh!. Okay nga iyan at least iba ang mundo mo sa hospital, iba din ang mundo mo sa labas" Kumuha din ako ng mga ninja scrolls, wala pang ganito ang twins. "Tara na, okay na to lahat"

"Alright!" Tapos nagpunta na kami sa counter para magbayad.

"Thank you po Sir!" Sabi nang kahera.

Hinahanap ko parin ang card ko sa mga secret pocket ng bag ko kaya nagulat ako na nagt-thank you na yung kahera.

"Let's go!" Aya sakin ni Snow, bitbit nya na yung mga pinamili namin.

"Teka! Anong nangyari? Bayad mo na?" Takang tanong ko.

"Yeah, tara na. May game pa ako haha!"

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang. Twenty thousand ang inabot ng pinamili ko. Nakakahiya huhu. Pagdating namin sa kotse...

"Bakit binayaran mo na? Inabala na nga kita, pinagastos pa kita"

Hayy!!...

"Regalo ko sa twins" Cool na sabi lang nya saka luminga sa paligid "Lunch muna tayo bago umuwi"

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon