Chapter 25

2.6K 53 2
                                    

Sienna's POV

"Daddy, alam mo po birthday namin ni Kuya Sean diba?" Tanong ulit ni Siella dahil hindi makasagot si Lester sa kanya. Nang hindi parin makasagot sa kanya ay lumungkot na ang mukha ng anak ko.

At hindi ko kayang makita sya nang ganon.

Hayy!...

"Wedding Anniversary..." Bulong ko sa kawalan sabay kunwaring abala sa pagsuklay gamit ang mga daliri ko sa buhok ni Sean. Naramdaman ko naman ang paglingon nya sakin saka sya nagsalita.

"January 11....." Sa wakas ay sagot nya sa tanong ni Siella.

A/N : Hindi ko nabanggit ang exact date ng kasal nila pero sa Chapter 13 nabanggit don na February 11, 1st Monthsary and Chapter 15 April 11, 3rd Monthsary.

"Yehey!! Sabi na po alam ni daddy e!"

Masiglang-masigla si Siella, nang may dumating na nurse ay pinakilala nya si Lester bilang daddy nya. Si Sean ay masigla din naman kaya lang hindi parin sya lumalapit kay Lester. May pumasok na nurse at pinainom ng gamot si Mr. DeCastro, nang makalabas ay nagtanong ako.

"Kamusta po ang pakiramdam nyo Sir?" Hindi nya ata inasahan ang pagtatanong ko kaya bahagya syang nagulat.

"Maayos na iha, salamat" Wala na akong maisip na isagot pa kaya tumango nalang ako ngunit sya ay nagsalita pa ulit "Marunong mag Japanese ang mga bata?"

"Greetings lang po Sir saka mga ilang salita ganoon. Once a week po ay may Japanese lesson sila"

"That's great! Pero bakit? Saan nila kakailanganin ang Japanese iha?" Napakamot ako nang ulo sa tanong na iyon.

"Ehehe. Kasi po Sir nanonood sila ng anime. Rude kasi ang pagsasalita ng mga characters at masyadong informal. Idagdag pa ang swear words kaya pinag-aral ko na sila para alam nila ang tamang sabihin sa hindi"

Noong minsan kasi ay may kaaway na bata si Sean dahil pinaiyak si Siella, sinabihan nyang 'kisama'.

T/N : Kisama - Motherf#$ker

"Hahahaha" Matunog na tawa ni Mr. DeCastro "Para din naiintindihan nila at hindi na magbabasa pa ng subtitles?"

"Ganoon na nga po Sir, hehe"

Pagbaling ko ay nakatingin pala samin ang lahat. Nawi-weirdohan talaga ako sa buong DeCastro family parang tuwing kakausapin ko sila ay big deal.

__
Napag-usapan namin ni Serg na sa bahay nya dadalhin ang mga gamit namin at umalis na nga sya para maghakot kahit bagong taon na bagong taon dahil magiging abala na daw sya sa ibang araw. Ewan ko ba sa kanya nagpapayaman ata masyado. Trabaho sya nang trabaho. Sinabi ko nalang na hapon ako pupunta doon para sa gamit naman naming mag-iina.

Siesta na ang kambal at ako nama'y naghahanda nang umalis para makapunta sa bahay at maiayos ang mga gamit namin. Nakapagpaalam naman na ako kanina kaya kahit tulog sila ay pwede akong umalis.

"Ah, alis po muna ako Ma'am, ayusin ko lang po mga gamit namin sa bahay" Paalam ko kay Mrs. DeCastro, hindi na sila umalis dito mula kaninang umaga, nagpasok nalang ng isa pang kama para kay Mr. DeCastro.

"Sige iha, kami munang bahala sa dalawa" Nakangiting sagot nya sakin at hinawakan pa ako sa balikat.

"Sige po"

Sinarado ko na ang pinto ngunit ilang hakbang palang ako ay napalingon ako dahil narinig kong bumukas ulit iyon.

"Bakit?" Tanong ko dahil derekta syang nakatingin sakin.

"A-Ano, hatid na kita?"

"May kotse ako e"

"Diba, mag-aayos ka nang gamit nyo? A-At sa bahay na kayo titira, pwede na natin dalhin na yung gamit nyo dun para palabas kay Siella dun na kayo t-tutuloy..."

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon