Chapter 17 : Snow

2.2K 45 3
                                    

****Makalipas ang apat na taon at walong buwan****

December 14,

Sienna's POV

Sandwiches, candies, bottled water, pineapple juice cans, extra clothes, handkerchiefs, snacks and plastic bags.

Hmmm... Ano pa bang kailangan?

Hinahanda ko kasi ngayon ang babaunin namin sa byahe.

"Mommmmmyyyyyyyy..."

Napalingon ako sa tumawag sakin, ang anak ko. Maya-maya lang ay nasa harap ko na ang gwapong gwapo kong anak.

"Woah! Sobrang pogi naman ng anak ko!. Ah, ano paba kulang sa costume mo?" Tinignan ko ang detalye ng costume nya kumpleto naman.

Naka yellow wig sya, na pinatigas namin gamit ang gel para ma-achieve iyong tusok-tusok na hairstyle ni Boruto Uzumaki. Naka white undershirt sya tapos black jacket at black pants. Brown belt tapos may pouch sa likod nya, lagayan ng ninja tools. At syempre ninja sandals, nakasuot sya ng bolt necklace, may band din ang isang binti nya.

Mabalik tayo sa kulang. Ay, alam ko na.

"Wala pa po ako guhit-guhit sa pisngi Mommy"

Parenting 101

Kumuha ako ng ballpen at ginuhitan ng dalawang linya ang magkabilang pisngi nya, gumamit ako ng ruller para pantay.

Whiskers iyon, may ganoon kasi si Boruto, ang anime character na favorite ni Sean Maverick.

Humarap si Sean sa salamin.

"Mommy, ang pogi pogi ko po oh!" Nag finger gun pa sya, umastang binabaril ang sariling reflection nya saka napapalatak na nakangisi.

Natatawa nalang ako, GGSS talaga ang anak kong 'to e nuh!.

"Mommmmmmyyyyyyyyyy"

Napatingin ako sa paparating na isa pang anak ko, ang pangalan nya, Siella Mari.

"Mommy ako din po, wala pa guhit-guhit sa pisngi po"

Naka Himawari Uzumaki costume naman si Siella, iyon naman ang favorite anime character nya.

Navy blue wig na kailangan din gamitan ng gel para maging tusok-tusok sa gilid, yellow jacket, pink palda, mahabang pink medyas at sandals.

Sa anime ay hindi pa ninja si Himawari kaya ganyan lang kasimple ang suot nya.

Parenting 101.2

Ginuhitan ko din ng dalawang linya ang magkabilang pisngi ni Siella. Agad syang lumapit din sa salamin at nakipagsiksikan kay Sean.

"Kuya, usog ka"

Agad na nagparaya ang lalaki kong anak at gumilid nalang. Nakangiti ko silang pinagmasdan.

"Kamukha natin sila Siella. Ako si Boruto, ikaw si Himawari. Magkapatid sila tapos tayo din magkapatid, astig!"

"Opo Kuya, Yong blue eyes nalang wala"

"Hindi pa tayo pwede magsuot ng ganoon, diba po mommy?"

Tumango ako "Mmm, pag malaki na kayo pwede na, sa ngayon iyan muna. Kuhang-kuha nyo naman"

"Thank you po mommy!!!" Sabay na biglang yakap ng mga anak ko sakin.

"Hep! Teka, magulo yang buhok nyo sige kayo. Pero isa pa nga, hug si mommy!!" Nagyakapan kaming mag-iina habang nagtatawanan.

"Hahahahaha"

"So, Tara na, malayo pa byahe natin"

"Sige po mommy" si Sean, nag last look pa sya sa salamin at binaril ulit ang sariling reflection.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon