Chapter 23

2.4K 52 0
                                    

Third Person Omniscient POV

"Kailangan ko yung susi. Magkita tayo sa gate ngayon na" Sabi ni Lester sa kausap nya, ni-hindi na hinintay ang sagot nito at agad nyang binababa ang tawag.

Pasakay na sya sa kotse nang humarang si Pamela sa kanya.

"Move.." Sa malamig na boses ay sinabi nya.

"I'm just worried Kuya-"

"What are you thinking? Magpapakasagasa nalang ako dahil sa mga nalaman ko ngayon ha? Ganun ba, Pamela?! Nagawa ko ngang mamuhay pa nang halos limang taon kahit tinanggalan nyo na ako ng karapatan. Ngayon pabang may dahilan na ako saka kapa mag-aalala sakin ha?!!" Buhos ang sama ng loob nyang sigaw sa kapatid nya.

"Just don't do anything stupid Dude, alright?" Nasa likod din pala nya ang kaibigan nyang si Jeff, naramdaman nya ang pagtapik nito sa kanyang balikat. "Pamela, kailangan ng Kuya mo mapag-isa"

Nag-aalinlangan man si Pamela ay gumilid na sya at binigyang daan ang kapatid nya.

Hindi na nag-aksaya ng kanyang panahon si Lester, pagkabukas ng makina ay mabilis na nyang pinaandar ang kotse. Pagdating nya sa gate ng village na iyon ay nakaabang na ang kanina lang ay kausap nya sa telepono. Kinuha nya ang susi dito pagtapos ay pinaandar na nya ulit ang kotse papunta sa lugar na ayaw nya nang makita pero hindi nya kayang isuko.

Dati ay ganoon, pero ngayong nalaman nya na ang katotohanan, ito agad ang naisip nyang puntahan. Pakiramdam nya nandun parin sya na dinadatnan nya tuwing uuwi sya.

Sa pagtigil nang kotse at pagtingala nya sa black&white na bahay. Nag-umpisa nang lumabas ang mga emosyon nyang pilit nyang nilabanan kanina. Alam nya, nababasa parin sa kanya nang kahit sino sa mga kaharap nya kanina ang kalungkutan nya pero hindi pa lahat iyon.

Wala nang papantay sa kalungkutang nararamdaman nya ngayon.

Pumasok sya sa bahay. Walang pinagbago, sinunod nang kinuha nyang tao ang bilin nya tungkol sa bahay. Tuwing maka-isang bwan ay pumupunta ang tao nya dito para maglinis.

Sa salas ay wala na ang center table. Naalala nyang sinipa nya iyon para mabasag. Parang nakita nya dito ang asawa nya na masayang nakikipagkwentuhan sa kanya. Parang naririnig nya ang mga tawa nito.

Nagawi ang tingin nya sa may bandang kusina, lumakad sya papunta doon. Pagpasok nya ay parang nakikita nya ang asawa nya na ipinagluluto sya parati. Palagi itong may ginagawa para mapagsilbihan sya pero kumikilos ito na parang walang pagod. Masaya sa ginagawa.

Nililibot nang paningin nya ang buong kusina nang may mahagip ang mata nya.

Paglapit nya ay may nakita syang note, umagos agad ang luha nya pagkabasa.

♡♡Dear, umalis ako para sundan ka. Hindi na kita mahintay e, maniwala ka sakin please. Hindi ko lalaki iyon♡♡

Kung sana binigyan ko lang sya nang pagkakataong magpaliwanag noon, naisip nya.

Sunod ay tinignan nya ang maliit paper bag, isang regalo? Binasa nya ang card...

Happy 3rd Monthsary My Dear!!!
♥♥♥ I LOVE YOU ♥♥♥

Hindi na yata mauubos ang luha nya kahit paanong pag-iyak ang gawin nya ngayong gabing ito. Tinanggal nya sa pagkakabuhol ang ribbon at tinignan ang nasa loob. Isang checkered necktie.

Nagtrabaho sya para personal na mabili sakin ito, naisip nya.

Sunod ay ang shoebox, ang Road To Baby box. Nanginginig nya iyong binuksan, tatlong kit ang laman niyon. Ang dalawa ay gamit na at may nakaguhit na sadface. Iniangat nya ang pangatlo at hindi pa gamit na kit.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon