Chapter 6

2.1K 53 0
                                    

Sienna's POV

Ilang araw nang nakalipas mula nung gabing iyon na sinagot ko si Lester. Ang mokong na yon.... na galawang three days ako eh nuh. Tatlong araw nya lang ako niligawan, inalala ko yung sinabi ni Carla nuon na ang relasyon ang pinatatagal hindi ang panliligaw. Yes!.,iyon ang gagawin ko, I'll make sure na magtatagal kami. Chaaa!!!

Ilang araw na din akong absent sa trabaho, araw-araw nandito sya at lage sya nakakahanap ng paraan para hindi ako papasukin, kahapon ay sya na mismo ang kumausap kay Oliver na hindi muna ako makakapasok at ewan ko ba, mabilis pa sa alas kwatro ang sagot nila na ayos lang. At tuwing pupunta sya ay palaging may dala syang groceries na pang ilang bwan na supply na namin, kahit man ayaw ko na gawin nya yon kaya lang hindi ko sya napipigilan. Dumadating sya na dala na ang mga iyon, kulang nalang magtayo kami ng mini mart sa dami na ng napamili nya.
Nung minsan nga paalis ako nang bahay magbabayad sana ng mga bills namin, he offered na samahan ako, pagdating namin ay napapanganga na lang ako, hindi na kami pumila, ibinigay nya lang iyon sa kung sino kasama ang card nya tapos ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik ang taong iyon at sinabing okay na.

Hayyss... na-a-appreciate ko naman sya alam ko gusto nya lang tumulong samin....sa akin, alam ko din na barya lamang yun para sa kanya pero ayoko naman na sa ganon umikot ang relasyon namin, ipinaliwanag ko sa kanyang hindi ko sya sinagot para sa ganon. Good thing naintindihan nya pero humirit parin, once a month nalang daw yung groceries, sinabi kong hindi pwede, pero magpapaluto daw sya sakin, gusto nyang matikman mga luto ko at dahil request nya daw yun marapat lang daw na sya ang gumastos.

Chaa! Nailusot nya pa yun!.

Pinayagan ko na yon, at sinabi ko din ang tungkol sa trabaho ko na hindi na pwede na absent ako parati. Tutol sya pero hindi ko na talaga sya papayagan, ilang beses ko na sya napagbigyan.

Sa huli, wala na syang nagawa pero bago daw yun, may nakita daw syang vlog sa YouTube na isang isla sa Leyte at gusto nyang mapuntahan. Pumayag ako pero pina-numpa ko sya na hahayaan na ako sa trabaho.

Ang kulit... haha para kaming mga engot na nagpipilitan ng mga kundisyones sa isa't-isa.

Ngayon nga ay nag-iimpake na ako ng mga gamit ko, isang araw lang ang ipinayag ko na magmalagi kami duon, kailangan ko na pumasok ng trabaho, nakakamiss din si Carla, naibalita ko na sa kanya nya na kami na ni Lester pero sabi ko personal nalang ang mga detalye dahil ganun din naman pag chinika ko sa kanya sa text tapos magkita kami ay magpapakwento ulit iyon. Sinasabi ko sa kanya pag nasa bahay si Lester gaya nang pinangako ko sa kanya nung nakaraan kaya lang parati syang tulog o nasa event na.

I'm all set, tumingin ako sa wall clock dito sa salas, alas otso na ng umaga, ala-una ng hapon ang flight namin.

"Oh!, hijo pasok ka" narinig kong sabi ni mama

Lumapit sya sakin at humalik sa pisngi ko "Hi Dear..I missed you" namula ako dun, nakita kong napangiti si mama.

'Kahapon lang magkasama tayo missed missed ka dyan'

"Ready?" he smiled, palagi syang nakangiti, ang gaan gaan nya tignan. Napangiti din ako at tumango.

Nilingon nya si mama saka nagpaalam at kinuha ang mga gamit ko, dinala nya na iyon sa kotse nya.

"Ma, alis na po kame" paalam ko kay mama

"Sige ingat kayo......kayo lang ba talagang dalawa?" tumango ako "Wag isusuko ang Bataan" Nanlaki ang mata ko, napalunok ako at pinilit makabalik sa wisyo

"O-Opo.." chaa! Spell awkward.

Nasa eroplano na kami ngayon at may isang oras kalhati siguro ang byahe namin.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon