Chapter 9

1.7K 38 0
                                    

Sienna's POV

Nasa kotse na kami ni Lester ngayon at gustong kong palakpakan ang sarili ko na nagawa ko pang manatili sa bahay nila kasama ang pamilya nya at mag panggap na ayos ang lahat. Umaarte akong palagay ang loob sa pamilya nya at ganun din sila sakin.

Kung may acting contest nga lang ay mahihirapan ang hurado na pumili sa amin ng Best Actress dahil lahat ay magagaling magsiganap. Wala man lang nahalata si Lester sa'min.

May kinukuwento sya tungkol sa family nya at pag pakiramdam kong dapat tumawa ay tumatawa ako.

Hindi sya ang niloloko ko kun'di ang sarili ko.

"Sakin na ba itong damit na 'to Dear?" tanong ko bigla , ayaw kong walang pag-usapan baka maiyak ako

"Oo naman, kailan ba ako nagpasuot ng damit sayo tapos ipapasaoli pa?" Nakakunot noo nya haha ang cute nya

"Eheheh ang ganda kasi saka fit na fit sakin, parang sinukat. Dati namamali ka pa sa sukat e, pero ngayon saktong sakto, alam na alam mo na talaga sukat ko"

He smirked "Of course, nasukat ko na e!" tumingin sya sa katawan ko.

Nanlaki ang mata ko nang ma-gets ko ang sinabi nya "Pervert!"

"Sayo nga lang Dear haha"

Ngumiti ako, dalawang beses ko pala syang nasabihang pervert ngayong araw haha pero hanggang pagbibiro lang naman sya.

Pagdating sa bahay ay hindi ko na sya pinatuloy, nagpaalaman lang kami at umalis na sya.

Ngayong nakahiga na ako ay automaticong naalala ko ang nangyari kanina nung wala si Lester sa hapag. Ang kanina ko pang ikinikimkim na iyak ay pinakawalan ko na.........

*************Flashback**********

Lahat sila nanliliit ang tingin sakin, nandidiri.

Bakit ko nga ba kasi inasahan na okay ako sa family nya despite of my job, my family background and all. Now, I wonder kung saan namana ni Lester ang kabaitan nya na akala ko ay sa Mom nya kanina dahil sa pagsalubong nya samin kanina. Pagpapanggap lang pala yun. Hayyy...

Gusto ko nalang umalis pero ayokong maging bastos lalo lang sasama ang tingin nila sakin. Pamilya sila ni Lester kaya kailangan ko sila pakisamahan. Napadako ang tingin ko kay bawang, tsk! wag nyang iisiping pati sa kanya magtitiis ako, kung hindi namin kasama ang pamilya ni Lester ay kanina ko pa tinusok ng tinidor na hawak ko ang mata nyang luluwa na sa galit.

Biatch...

Unang nagsalita ang Mom ni Lester "Ikaw yung waitress sa conference kagabi diba?" sabi nito na nakataas ang kilay.

"Ako nga po Ma'am" sa paraan nang titig nila sakin ay gusto ko ng maiyak pero kailangan ko pigilan. I wouldn't give that bawang bitch a satisfaction dahil umiyak ako.

"Sana hindi mo naisip na boto ako sayo. Kaharap lang ang anak ko kanina kaya pinatunguhan kita ng maayos pero sana malinaw sayo na ayaw kita sa anak ko" napayuko ako at kinagat ang labi para hindi maiyak "Isang hamak na waitress para sa anak ko? No!"

"Oportunista!" entry ni bawang bitch. Mahinang sigaw iyon syempre hindi nila ipaparinig kay Lester.

Kung pamilya lang ni Lester ang kaharap ko ngayon ay lungkot at awa sa sarili lang ang mararamdaman ko pero dahil nandito si Cindy na pinanindigan ang pagiging bawang na palaging nakasahog, ay nakakaramdam din ako ng galit, galit para sa kanya.

Narinig ko ang pagtikhim ng Dad ni Lester kaya napatingin ako sa kanya, kinukuha nya ang atensyon ko at ayaw ko nga maging bastos kaya magtitiis akong salubungin ang nandidiring tingin nila.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon