Sienna's POV
Nagkaroon nang kapayapaan sa loob ko matapos ang pagpunta kong iyon sa Adoracion Chapel. Naipangako ko din sa sarili ko na hindi ko na masyadong iintindihin ang mga negatibong bagay.
Nang sumapit ang pasko ay kasama namin si Lester sa bahay para sa noche buena. Ewan ko nga dun sa mokong na iyon naging tahimik. Parang ako sya nung araw na malungkot ako dahil sa narinig kong mga salita galing sa pamilya nya. Napaka expressive nya talaga kaya ang dali nyang basahin, parang palagi syang may iniisip.
Ganun pa man ay sinikap kong pasayahin sya pag magkasama kami. Marahil ay problema lang sa negosyo kaya hindi ako nagtatanong sa kanya kasi wala naman akong alam sa mga bagay na iyon.
Nang mag bagong taon ay sa amin parin sya naki-celebrate. Gustong gusto ko na talaga syang tanungin, hindi naman sa ayaw ko na sa amin sya nakisama nung bisperas ng pasko't bagong taon pero diba dapat pamilya ang kasama sa ganung okasyon. Pasko at Bagong Taon nyang hindi kasama ang pamilya nya, nakakapag-alala na talaga.
Lumipas pa ang dalawang araw at hindi na talaga ako makatiis, palagi kasi kaming magkasama, araw araw syang nasa bahay kaya araw araw ko din syang napapansin.
Pagkahinto nya ng sasakyan sa tapat ng bahay namin, bago nya pa patayin ang makina ay kinuha ko ang kamay nya. Napatingin sya sakin, malungkot parin ang mata nya, mahigit isang linggo na syang ganito e, tumatawa naman sya pero parang hindi buo.
Mahina akong bumuntong hininga "Dear, may problema ka ba? Pwede mong sabihin sakin, baka kahit papano makatulong ako" umpisa ko at sya naman ang bumuntong hininga, mas malalim.
Saglit syang sumandal at pumikit tapos tumingin sakin "Para ba sayo dapat i-share ang problema?" tanong nya, grabeh ang seryoso nya.
"Oo naman, maganda yung nailalabas mo diba? Para may dadamay sayo" lalo nya lang nilaliman ang tingin sakin, ewan pero bigla akong kinabahan.
"Then, why you didn't tell me?"
Napakunot ako ng noo "Ang alin Dear?" ngayon naman ay nagtataka ako na kung ano ang hindi ko sinabi sa kanya.
Naisuklay nya ang isang kamay nya sa buhok nya, napatingala na naman saka ulit tumingin sakin "Bakit hindi mo sakin sinabi ang ginagawa ng pamilya ko sayo?"
Napanganga ako at hindi nakasagot.
Paano nya nalaman yun??
"Dear, mahigit isang linggo kitang hinihintay magsabi sakin pero wala. You really didn't want me to know huh!?" sa tono nya ay nararamdaman ko ang pagkainis nya. Oo nga naman, sinabi kong dapat pinag-uusapan ang problema pero ako itong walang sinasabi sa kanya. Hayy...
"I'm sorry.." tanging nasabi ko, kinakabahan talaga ako kasi ngayon ko lang nakita na naiinis sya sakin.
Binawi nya ang kamay nyang hawak ko at tumingin lang sa harap. Nasaktan ako don hayy..
"Nakausap ko na sila, ang sabi nila hiwalayan lang kita at hindi kana nila guguluhin"
Umiling ako nang umiling. Ayoko!.
'Hindi nga ako nagpapaapekto sa kanila sana ganun ka din o dahil inilihim ko kaya galit ka sakin? Narealized mong wala akong kwentang girlfriend dahil sinosolo ang problema kaya makikipaghiwalay ka lang? O dahil masunurin ka lang na anak talaga kaya susundin mo sila?'
Gusto ko sanang iyon ang isagot ko sa kanya kaya lang natatakot ako na sagutin nya ako na iyon nga ang tamang gawin.
"Isa nalang ang naiisip kong paraan para tumigil na sila, para hindi kana nila guguluhin"
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomanceAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...