Sienna's POV
Hapon ngayon at kauuwi lang namin galing hospital. Agad kong inaya si Sean dito sa living room para makausap sya nang sarilihan tungkol sa daddy nila.
"Sean anak, bakit hindi mo pa kinakausap ang daddy mo?" Mahinahong umpisa ko. Napalabi sya saka tumingin sakin.
"Sinigawan po kasi nya ikaw mommy"
"Ssshhh.. Minsan may nasasabi lang ang tao na hindi naman talaga iyon ang gusto nilang sabihin. Mahal kayo ng daddy nyo, palagi sya tuloy malungkot dahil hindi ka nya malapitan"
Yumuko sya at yumakap sakin. Ako naman ay tinapik-tapik ang ulo nya saka hinalikan iyon.
_
Nasa hapag kami at naghahapunan ay napapansin ko si Sean na panay ang tingin kay Lester pero pag babaling ang tingin ni Lester sa gawi nya ay napapayuko sya. Napapangiti ako sa isip ko, ang kailangan nalang ni Sean ay konting oras pa.__
"Daddy, dito ka po matulog" Lambing ni Siella. Inihahanda ko na kasi sila sa pagtulog. Nilapag sya ni Lester sa kama."Siella, hindi pwede na masikip sa kama masasagi ang binti mo" Sabi ko.
"Next time nalang baby"
Eh???
Anong next time?!Gusto kong itanong kay Lester na bakit kailangan nyang sabihing next time e hindi naman ako makakapayag na makasama syang matulog dito nuh!. Pero syempre hindi maari dahil kaharap ang kambal.
"Sige na mag goodnight na kayo sa daddy nyo"
"Goodnight po daddy!" Itinaas ni Siella ang dalawang kamay kaya yumuko si Lester at hinagkan ang noo nya. Pagkatapos ay bumaling sya kay Sean.
"Goodnight Sean" Ginulo nya ang buhok ni Sean saka lumakad palabas.
Alam ko nahihiya nalang yan si Sean pero wala na syang galit pa. Maya-maya pa...
"Sige na tulog na tayo. yiehhhh...." Kiniliti ko si Sean sa paghalik sa kilikili nya.
"Hahahahahaha Mommyyyyy!!"
"Hahahaha!"
Nagtatawan kami ay saka ko palang narinig ang pagsarado ng pinto.
Hala sya!. Nasaktan na naman sya siguro. Simula kasi nung sinabi nya sakin na konting preno na sa salita ay nag-ingat na akong makasakit sa kanya. Pinipili kong hindi makipagharutan kay Sean pag nakikita nya. At hindi na din ako masyadong nagkwekwento pa nang kung ano. Yung mga nasabi ko kasi nung nakaraan, wala lang sakin pero mabigat pala ang dating sa kanya.
Hayyy...
"Goodnight Baby Siella! Goodnight Kuya Sean!" Hinalikan ko na sila pareho sa pisngi at pumuwesto na sa gitna at nahiga.
Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako dahil naririnig kong umiingit si Sean. Paghawak ko ay mainit sya kaya agad akong napabangon.
Hindi ko pa naayos ang mga gamit namin. Bukas palang sana ako pupunta sa dating bahay. Walang gamot dito para kay Sean.
Lumabas ako nang kwarto para katukin si Lester para magpabili ng gamot. Kaya lang mahimbing ata syang natutulog, walang sumasagot sakin. Naisip kong bumaba, pupunasan ko nalang si Sean pero pag hindi pa bumaba ang lagnat nya ay ako na ang lalabas para bumili.
Pagpasok ko sa kusina ay nagulat pa ako na nandito sya. Wala namang iniinom, walang kinakain na kung ano. Basta nakatulala lang sya.
"Nandito ka pala, kinakatok kita sa kwarto mo kanina e"
"K-Kinatok mo ako?"
Chaa! Bakit kailangan manlaki mga mata nya?
"Yes, si Sean kasi may lagnat, papabili sana ako nang paracetamol"
BINABASA MO ANG
My Three Months Married Life (COMPLETED)
RomantizmAng kwentong magpapatunay sa LOVE AT FIRST SIGHT.. Sa mga istoryang nabasa nya, kapag naikasal na ang bida, natatapos ang story, THE END na, ROAD TO FOREVER na, LIVED HAPPILY EVER AFTER na, name it!. Pero sa istorya ng buhay nya pala...