Chapter 18 : Lester's?

2K 41 6
                                    

Sienna's POV

Napatingin din sya sakin at sa itchura nya ay mukhang agad nya akong nakilala.

"May kakilala kang nasa loob?"

"H-Ha? Ah, w-wala" Nilalamig na sagot ko

"Hindi mo ba ako babatiin?"

"Hi! hehe"

Natawa naman sya ng payak sa sagot ko. Tsk, kahit kailan weirdo sya. Sabi nya batiin, ngayong binati, pagtatawanan.

"Today's my birthday. Nakalimutan mo na?"

"H-Happy Birthday, Luis! Ay, sige ah, mag-c-cr na ako, bye!!"

Tumakbo ako papasok, nakasalubong ko si Siella. Agad ko syang kinabig papunta sa gilid. Isinubsob ko sa tyan ko ang mukha ng anak ko para hindi nya makita ang ako sa mga sandaling ito. Nanginginig din ako ng bahagya pero sinisikap kong pigilan para hindi mahalata.

December 14, ngayon. Birthday ni Luis, kasabay ng kaarawan nya ay....

'Ayoko nang maalala'

Una si Snow, ngayon si Luis...

Bakit?

Bakit nagbabalikan ang mga tao sa buhay ko maglilimang taon na ang nakakalipas???

Huminga ako nang malalim at saka inayos ang sarili.

"Siella baby, silip ka nga sa labas kung may lalaking nakatayo pa doon"

"Sige po Mommy"

Pagbalik nya ay sinabi nyang wala naman na kaya lumabas na din ako.

Nag-aabang kami sa labas ng CR nang humahangos na lumapit samin si Snow pero hindi sya galing sa loob. Kanina pa sya nasa labas?

Teka!

"Si Sean?!" Tanong ko sa kanya bigla nang marealized kong hindi nya kasama ang anak ko.

"Tu-Tumakbo kasi, hinabol ko pero hindi ko n-naabutan" Hindi sya makatingin sakin napansin ko ding pinagpapawisan sya kahit ang lamig lamig dito.

Sigh!

"Alam na namin kung nasaan yun" Sabi ko na nagpaluwag ng paghinga nya.

"Hehe Si Tito Snow, kinakabahan"

"Sinabi kong kakain after mag CR diba, kaya malamang nasa Pizza Hut na yun, umoorder ng Hawaiian"

Mas lalo namang nakahinga sya nang maluwag.

"Tara, puntahan na natin!"

"Hep!, Ano ganon-ganon nalang? Kailangan mong maparusahan sabi ko sayo bantayan mo pero failed ka, tsk"

"S-Sorry"

Kinuha ko ang credit card at binalik sa kanya, kita kong bumagsak ng parehong balikat nya.

"Ipamili mo kami ng mga snacks para sa byahe namin pauwi. Wag mo kakalimutan ang madaming pineapple juice cans. Pero wag puro junk foods ah, samahan mo ng sandwiches or biscuits, bottled water na din. Tapos sumunod ka samin sa Pizza Hut dahil ikaw ang magbabayad!"

Lumiwanag naman ang mukha nya saka tumango at mabilis na kumaripas ng takbo.

"Hihi Mommy, Nakakatuwa po si Tito Snow, ang bait po nya."

Nakangiting tinignan ko lang si Siella at inakay na sya palakad. Ito naman kasi ang una nilang pagkikita at ito na din ang huli.

Wala naman akong against kay Snow kaya lang nang makita ko din si Luis kanina ay kinabahan akong isa-isang magbabalikan ang mga taong nagdulot ng matinding sakit sakin noon.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon