Chapter 2

4.1K 72 9
                                    

Sienna's POV

Naiisip ko parin ang lalaking yun pero dahil na rin sa dami ng trabaho, kailangan ko pagtuunan ang ginagawa. Nakakaramdam na din ako ng pagod. Abala ang lahat sa ginagawa kaya naman pinilit kong alisin muna sya sa isip ko. Hatinggabi na at matapos na din kami, tahimik ang lahat, seryoso sa ginagawa marahil iisa lang ang nasa isip...ang makauwi na.

'Hayyyyy sa wakas, nakatapos din'

sabay inat ko ng braso ko. Medyo nangalay ang balikat ko, buti nalang sanay na.

"Tapos ka na Sien?" si Carla, lumapit na sya sakin.

"Chaa! Oo tapos na, ano tara uwi na tayo" sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko, hayy uwing uwi na talaga ako.

"Tara! Eto pala oh!" may inabot sya sakin na maliit na sobre "tip yan satin, pinaghatihati na ni Ma'am Olive kanina, alam naman daw nya na magmamadali makauwi ang lahat."

Napalingon ako sa likuran nya, tpos na ikarga lahat ng gamit sa truck. Minsan ay nakasasabay kami sa pickup service pero mukhang puno na din yun, kaya magc-commute kami nito.

"Thanks, tara! Puno na yung pickup oh!" tinuro ko yun pero di nya na nilingon pa, nakita na nya siguro kanina.

"Bukas ah!" tumango ako "Dito nalang tayo magkita...mga 1pm" sinumulan na namin ang paglalakad ng medyo napahinto sya, may biglang naalala. Hinawakan ako sa braso saka nagtuloy ulit sa paglalakad bago magsalita. "Alam mo kasi medyo matagal din kita natitigan nung natulala ka dun sa escort ni Cindy Clemente, iba e, iba tingin mo. Tinamaan ka nuh?" tutuksuhin pa ata ako.

Nung lumingon sya saglit, saka ako nagsalita.

"Nakita mo ba kung gaano kagwapo yun? Gwapong-gwapo diba, normal lang naman siguro kung mapatulala ako diba?

"Oo nga, pero kasi ikaw yan, madalas ako may tinuturo sayong gwapo nuon, kilig na kilig na 'ko, sayo wala lang" tumataas taas pa kilay nito na parang sinasabing hindi ko sya maloloko.

'Ha!  Ano bang big deal dun? E, ano kung tinamaan'

"Big deal ba yun?" nasabi ko rin pala nasa isip ko.

"Hmmm...hindi naman talaga big deal yun Sien, kung magkagusto, gwapo naman talaga yun." Kita mo tong babaeng to! Nagwapuhan din naman pala at hindi big deal pero kung makapang hot-seat .

"Pero iba talaga yung tingin mo Sien, gaya nga ng sabi ko Di ka naman ganun sa iba, yung mga tinuturo ko sayo mga gwapo din pero hindi ka nagkaganyan." anung nagkaganyan ba? paulit-ulit usapan namin.

"Kasi friend kanina, hmmmm alam ko na, siguro pakiramdam mo, biglang tumigil ang mundo mo noh! Yung nakalutang ka lang sa ere. Yung sya lang ang nakikita mo, na kahit katabi nya lang mismo si Cindy, Di mo sya nakikita kundi yung guy lang." Nak ng pating... naiintindihan ko na sinasabi nya, ganung ganun nga pakiramdam ko kanina..

Di ako nakakibo. Huli e,

"Ano tama ako noh! Inlove kana Ahahahahaha. Tao ka na Sien, kala ko tuod yang puso mo e, tumitibok pala yan Ahahahahaha" tinuturo turo pa ako habang tumatawa. Muli syang nagpatuloy "Pero..." eh! hindi maituloy ang sasabihin? Sya ba yan , nauubusan din pala sya nang salita. Milagro

"Pero ano?" tinanong ko na. Napipi bigla e,

"Hindi mo man lang ako ni-kontra nung sinabi kong in-love kana Sien........ibig sabihin tama ako"sabay lingon nya sakin, bakit parang malungkot sya habang sinasabi nya yan.?

"H-Ha?" Shet! nautal pa ako. Damn! Nahuli na naman nya ako.

"Tama ako!" Ayan siguradong sigurado na sya. Di nya na kailangan confirmation ko. "Pero Sien, pigilan mo yan ah! Look, alam mo naman siguro na magkaibang magkaiba kayo ng mundong ginagalawan. Na hindi na ulit kayo magkikita pa ulit. Maybe next year, sa birthday ulit ni Cindy, escort na naman sya nun at tayo ulit waitress Aahhahahahahahha"

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon