Chapter 22

2.4K 56 2
                                    

Sienna's POV

Hinalikan ko sa pisngi ang natutulog na si Siella at saka sya pinagmasdan. Kanina ay walang kapantay ang takot ko dahil buong katawan nya ang may dugo at wala pa syang malay. Masakit parin sakin ang nangyari sa kanya pero nang sabihing binti ang tinamaan sa kanya ay kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Nakatagilid at nakabaluktot kasi sya nung makita namin kaya dumaloy ang dugo pati sa tiyan nya.

Hayyy!!...

Umayos ako nang tayo at tinignan sila saglit saka nauna nang lumabas. Nang makumpleto na kami ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Hindi naman na natin kailangan magtanungan pa nang kung ano" Tumingin ako kay Cindy "Ikwento mo lang kung ano ang nangyari nung araw na iyon, lahat tayo malilinawan na"

Nakaupo kaming mga babae. Ako katabi si Mrs. DeCastro tapos si Pamela and Cindy. Si Lester at Snow ay nakatayo sa harap namin, si Jeff ay hindi sumunod samin. Sabagay wala naman syang ganap nung araw na iyon.

Cindy heaved a deep sigh saka nagsalita. "I went to your house that morning but papaalis ka na din pala. Hinatid kita sa gate, pagbaba mo s-sinundan kita" Bahagyang nangunot ang noo pero hinayaan ko syang magpatuloy "Nakita kitang pumasok sa isang event place. It's a wedding reception right? At first I thought you're one of the guest but sa suot mo ay ako na din ang nakapagsabi sa sarili ko na hindi. Luckily, may kakilala ako kaya nakapasok ako. Hinanap kita and then I saw you washing the dishes-"

Nakunutan ang mga noo nilang napatingin sakin.

"Nag sideline ako nung araw na iyon" Kalmado lang na sagot ko.

"Sideline?" Tanong ni Lester. Tinignan ko sya pero bigla naging mailap ang mata nya saka tuluyang nagbawi nang tingin.

"Oo, para makabili nang regalo sa sarili kong pera. Cindy, tuloy mo na" Hindi ko na tinignan ang reaksyon ng mukha nila sa sinabi ko.

Ang gusto ko lang matapos agad itong pag-uusap namin.

"May kinausap akong isang staff. I told her na bantayan ang kilos mo, b-binayaran ko sya. I saw your friend, her name's Carla right? So, umalis ako agad. That afternoon nakipagkita sakin yung staff na kausap ko and she brought a pictures of you with a guy. I don't know what's the story behind the picture but kung titignan yun ay parang nagd-date. Ang isang picture ay magka-shake hands kayo. Mabilis ko nang pinuntahan si Lester-"

"Wait! Ate Cindy" Pigil ni Pamela "Ate Sienna, I think kailangan mo muna sabihin kung ano yung picture na yun. We gathered here once and for all, right? So, each side's needed"

Hayyy!!!

So, may kinalaman pa pala yung set up date ko kay Carla and Sid.

"That's Sid. Nalaman kong gusto nya si Carla kaya habang nakapila sa buffet ang kaibigan ko, inayos ko yung mesa. Pinagmukha kong para sa nagd-date. Magka-shakehands kami dahil iyon ang una naming pagkikita. Sila ang may ari nung lugar. Nag tagumpay naman ako that day, they are husband and wife now" Mabilis na paliwanag ko "Continue..." Sabi ko na nasa hilera lang namin ang tingin.

Nakatingin si Pamela sa Kuya nya, maya-maya ay napayuko sya saka binalik ang tingin kay Cindy.

"Pinakita ko kay Lester yung pictures. Ang inaasahan ko na pag nakita nya ay magagalit sya at iisipin nya na agad na may relasyon kayo nung guy. But, hindi yun ang nangyari. Lester's told me na walang ibig-sabihin yun. I was upset so I went to a bar"

Naiintindihan ko na ngayon, sinabi nyang wala lang ang pictures pero ang totoo ay duda na talaga sya noon. Pag-uwi nya tapos ganoon dinatnan nya, kaya pala sarado na ang isip nya para sa paliwanag.

My Three Months Married Life  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon