2: Groupings

3.3K 106 0
                                    



Tatlong araw ko ng sinusundan ang avellino'ng iyan. Yung tipong pati CR, binabantayan ko. Psh.

Isa pa, hindi tumitiwalag ang mga kasama niya maliban nalang pag uwian.

"Okay, gagawa kayo ng group presentation about sa mga inasign ko sa inyong questions na kailangan niyong sagutan then after five minutes ay iprepresent na." Anunsyo ni Miss Foria, Science Teacher namin.

"Group 2. Atienza, Ginno. Phin Xinos Bravo. Clarraine Avedilla. Devion Sice Neves. Joshua Avellino and Kaycee Torres will be your leader group 2." Iling iling akong pumunta sa designate area ng group 2 which is sa may bintana sa likod.

Matapos ang pag aanounce ay lumapit na ang teacher namin at binigay ang papel na may mga questions.

Nanlaki ang mga mata nila "Teka, eh second Quarter pa tong mga to ah."
Sambit ni Ginno

"You mean, 2nd to 4th Quarter. Walang First Quarter." Iling iling na sambit ni Phin.

"Paano natin masasagutan to?" Tanong naman ni Clarraine.

"Do you do Advance reading?" Tanong ko sa kanila, lahat sila ay napunta ang atensyon sakin

"Oo pero sa first Quarter lang." Sambit ni Phin. Napabuntong hininga ako.

"Read the first question." Utos ko kay Clarraine

"What is S.I.M?" Naghintay sila ng isasagot ko, nagkibit balikat ako.

"Strategic Intervention Material." Napanganga sila sa sinagot ko

"What is Atmokinesis?" Dagdag niya ng makarecover.

Bumuntong hininga ako sabay sandal sa pader habang nakakibit balikat pa din.

"The ability to Control to Manipulate All Various Aspects of the weather." Napanganga silang muli at kita sa mga mata nila ang mangha.

"What blood type is also Called 'Universal Donor'"

"Blood type O." Tipid kong sagot

"What is the phenotype of A?"

"AA and AO"

Ako lang ang sumagot ng lahat ng katanungan, lalo ailang namangha sa mga sinasagot ko hanggang sa matapos ang oras at nagpresent na sa harap.

Gaya ng nangyari ay namangha ang mga kaklase ko habang nagdidiscuss ako hanggang sa matapos.

"Ang galing natin! Tayo ang pinakamataas!" Tuwang tuwang sambit ni Clarraine

"Di ako makapaniwala, ngayon lang nagbigay ng ganitong grado si Miss Foria." Sambit ni Phin

"Bat naman?" Tanong naman ni Clarraine

"Mababa magbigay si maam Foria, isa pa terror yan eh." Sambit naman ni Joshua

98% kasi ang binigay na grado sa amin samantalang ang iba ay hindi nakatuntong ng 70+ dahil sa biglaan ito.

"May tanong ako ate." Napatingin ako kay clarraine na mukhang nahihiya pa.

"Ano yon?" Malumanay kong tanong

"Pansin ko lang. Bat parang kabisado mo ata ang buong libro?" Blumangko ang ekspresyon ko, napunta sakin ang atensyon ng apat.

"May mga bagay na hindi na kailangang malaman pa." Sabay tingin kay joshua na mukhang nagulat. Bumuntong hininga ako saka sinukbit ang bag. "See you around." Sumulyap muli ako kay joshua bago lumbas ng classroom.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon