11: Representative

2.7K 90 0
                                    





"Kay, I think may nagaganap sa PSA na hindi natin alam." Kumunot ang noo ko "like what?"

"Hindi ko alam pero ng kausapin ko si charles ay nauutal ito na parang takot, i talked about it to ate Yuri pero kahit siya ay walang alam dahil sa ibang bansa siya pinadala." Nag aalalang sambit niya "did you open the folder?" Dagdag niya na ikinailing ko "Gel, tapusin muna natin ang misyong ito bago tayo gumawa ng panibagong hakbang dahil kahit ako ay nahihirapan na rin sa misyon." Nakabusangot kong sambit, bumuntong hininga siya.

"But we can step by little by little." Tipid siyang ngumiti "First, kailangan kong malaman kung anong pinaplano ni daddy without noticing."

"Like what? Like how?" Naguguluhang tanong nito "A few days ago ay binugbog si joshua ng walang dahilan ng mga lalaking may Tattoo ng Kcors." Nanlaki ang mga mata niya "I think may masamang binabalak ang dad ko."

"I need to figure it out, at saka mukhang may koneksyon ito kay Mr. Avellino at sa PSA." Dagdag ko "but how kaycee?" Tanong naman ni Gelly.

Sumilay ang ngiti sa aking labi ng mabuo ang plano sa isip ko "I'll tell you when my plan is complete in my mind."  Saka ako sumimsim ng kape.

"Every section have 2 representative for the upcoming event of SDIS, The Mr. And Ms St. Daniels International School." I just rolled my eyes, what's the point of conducting pageants? For Fame? Para ibalandra ang pagmumukha? Psh, i don't get the point.

"And as one of the Orginizer of this pageant, gusto kong magkaroon ng botohan dito. Just raise your hand and say the name of who you want for Ms and Mr. The Voting is open." Agad na nagtaasan ang mga kamay nila para magnominate at bumuto.

"I Nominate Ginno Atienza as a representative our section."

"Maam! Si Phin po!"

"Si Rusty po!"

"Omo! Si Siecos po!"

"I nominate Joshua Avellino." Nakangiting sambit ni Gia.

"So the nomination for Mr. SDIS is close and the voting is now open." Nagsimula ng mag vote

Nang tawagin ang pangalan ni Joshua ay nagtaas na ako ng kamay kahit labag sakin pero dahil sa sama ng tingin sakin ng teacher ay wala na akong nagawa.

"Mr. Joshua Avellino win the Mr. SDIS Representative!" Nagpalakpakan naman sila at sinimulan na ang nomination ng Ms. Representative.

"Gia Atienza maam!"

"Zyryne Lois Caguyme!"

"Rosemarie Gacuma!!!"

"I nominate Kaycee Torres maam!" Kumunot ang noo ko at tumingin sa bumuto na si Santiago pala.

"Please Stand up kung sino yung mga nanominate." Marahas ang buga ng hiningang tumayo ako at pumunta sa harap at tinitigan sila ng bored look.

Naghiyawan ang lahat.

Psh, mas gusto ko pang mag linis ng cafeteria ng isang linggo kaysa sumali dito. Kaasar..

Nagsimula ang botohan at nakabusangot akong nainis ng ako pa ang nanalo sa butohan.

"Mr. Joshua Avellino and Ms. Kaycee Torres please after break come at SSG faculty." Saka lumabas ang teacher.

Busangot akong umupo at inis na magsasalpak sana ng earphones ng biglang agawin iyon ni gia dahilan para masama ang cp ko at nalaglag sa sahig.

Galit akong tumayo na ikinaputla niya. Nandilim ako. Putan* na sirang sira na araw ko dinadagdagan pa ng isang lecheng gagitang to.

"Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo ang nilalaman ng Cellphone na yan?!" Galit na sigaw ko na ikinatigil ng lahat.

"H-hindi ko naman S-sinasadya..." Nauutal at napapahiyang sambit ni Gia

Hinampas ko ang isa kong kamay sa lamesa dahilan para mapapikit siya, lumapit na ang mga lalaki para awatin kami pag may nangyari.

"What the F*ck is wrong with you?! Hindi ka ba nakakaramdam na wala sa mood ang tao?! Manhid ka bang gaga ka?!"

"Wag mong pagsalitaan ng girlfriend ko ng ganyan." May pagbabanta sa boses ni joshua

Mas kumulo ata dugo ko at nandilim ang paligid ko pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko "Anong gagawin mo? Huh?" I smirk "do. You. Wanna. Die?" Namutla sila pagkasabi ko nun, agad akong sumeryoso "One wrong move and everything will turn bloody as hell." Marahas kong kinuha ang Earphone ko sa kanya, pagkakuha ko ng Cellphone ko ay literal na napamura ako ng hindi ko na maopen.

Tinitigan ko sila, "Pasalamat kayo at mabait pa ako sa lagay na to." Malamig kong sambit bago sila nilampasan.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon