20: I won't let you fall alone

2.3K 67 4
                                    



The Bad Boys's Dare is progressing so maybe i can publish it soon!

Anyways, enjoy!

-/-/--/--/--/-/-//-/--//--/--/--///-/--

"Nasaan tayo?" Umupo kami sa swing

"Sa park obviously." Sinamaan ko siya ng tingin "i know idiot, what i mean is bakit tayo nandito?"

Nagulat ako ng ngumiti siya ng pilit saka tumingin sa langit "When i was a kid, dito kami palagi pumupunta para maglaro." Napalunok ako

"Dito ko din nakilala ang isang batang babae na mataba, sa sobrang katabaan niya bumigay yung swing na kinauupuan mo ngayon." Napabusangot ako at tumingin din sa langit.

"Napaka boyish niya, mahilig sa strawberries at mahilig sa mga simpleng bagay." Liningon niya ako pero nanatili lang ang mga mata ko sa langit

"At ito pa, mahilig siya sa totoro! Bag niya totoro, medyas niya totoro, her dress have a totoro face." Nilingon ko siya, seryoso siyang nakatingin sakin.

"She became so special to me, lalo na noong tumalsik ako sa swing at sinalo niya ako, gumulong gulong at siya ang napuruhan imbes na ako."

"Where is she now?" Tanong ko

"Hindi ko alam, simula noong aksidenteng iyon ay lumuwas sila papuntang US at di na siya bumalik pa." Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako ng pilit

"Paano kung bigla nalang siya dumating?" God. Joshua, she's here.

Ngumiti ulit siya at tumingin sa langit "Ewan ko. Siguro babalik yung nararamdaman ko sa kanya."

Bumuntong hininga ako "I know about Phin and Gia." Nagbago ang ekspresyon niya saka tumingin sakin, sinuklian ko lang siya ng blankong titig

"Bat di mo sinabi sakin?" Seryosong tanong niya "I don't want to involve in you problems." Bumuntong hininga siya at nagsalubong ang mga kilay

"It's not a good valid reason Kaycee, sana man lang sinabi mo sakin para di ako naging tanga ng matagal!" Tumaas ang boses niya na ikinainis ko naman

"Kahit na sabihin ko sayo hindi pa rin magbabago ang mararamdaman mo! Masasaktan ka pa rin!" Sigaw ko na ikinabigla niya

Tumayo ako saka siya tinitigan ng masama "Gusto ko ikaw mismo ang makaalam sa mga ganitong bagay kaysa marinig mo pa sa iba."

Napangisi siya at napatayo na rin "psh, non sense. You just want to solo me." Binalingan ko siya at nagsalubong ang mga kilay ko "What just the fuck you say?!" Galit kong mariing sambit

Napalunok siya "You know that you love me. Kaya di mo sinabi sakin dahil gusto mong magalit ako kay Gia para masolo mo---" sinampal ko siya ng malakas sa kaliwang pisngi dahilan para mapunta sa kanan ang direksyon ng mukha niya.

Taas baba ang dibdib ko "Napakababaw pala ng tingin mo sakin?! Ni Minsan di pumasok sa isip ko yang sinasabi mo!" Tinignan niya ako at nagulat ako at napako sa kinatatayuan ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"I won't let you fall alone because together we will fall to each other. And that's a promise that will never be broken. A promise we'll fulfill together." Napanganga ako sa sinabi niya, parang nalusaw lahat ng galit ko at nawala lahat ng iniisip ko.

Kumalas siya at pinagdikit ang mga noo namin "Understand?" Mariin akong napapikit "O...okay." I frozed when he kiss my temple. Noo. Sa kaliwa't kanang pisngi at sa Baba.

"Saka na sa lips pag nasa harap na tayo ng pari." Ngumiti siya ng nakakaloko, sinamaan ko siya ng tingin. "Siraulo."

"Bakit doon naman talaga tayo hahantong eh." Bibigwasan ko sana sya pero nakailag siya "We don't know what will happen in the future Joshua. But let's just stay in the present." Ngumiti ako na ikinangiti niya rin at tumango.

Tama ba na pagbigyan ko muna ang sarili ko?

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon