Warning: Ang mga eksena ay madugo charot! Makakaranas ng action scenes.-ciao
-/-/-/-/-/---//--/-//-
The Author's POV
Pagkatapos ng pagrampa nila by partner ay inannounce na kung sino ang mga nasa top 3..
Meanwhile, sa last POV sa last chapter ay kumikilos na..
"Nakaready na ba lahat?" Tanong ng nakaitim na lalaki
"Yes, boss. Nakaayos na ang lahat." Nanggagaling ang boses ng kausap niya sa isang device sa kanyang tenga.
"Siguraduhin mo lang o buhay ang kapalit natin." Saka niya binaba ang tawag
-The Pageant.
"Our Mr. And Ms. Saint Daniels International School will be...." (Drum rolls XD)
"SECTION B!! KAYCEE TORRES AND JOSHUA AVELLINO!!!" Lumapit ang mga judges at isinuot kay kaycee ang korona at ibinigay ang trophy at bouquet of flowers.
Habang nagkakasiyahan ang lahat ay hindi nila alam na magkakaroon ng isang malaking gulo..
Nang bumaba ng stage sila kaycee at joshua ay tumugtog na ang kanta at itinutok ang spotlight.
[Only Reminds Me of You by MYMP]
Nilagay ni joshua ang mga kamay ni kaycee sa balikat nito at dahan dahang nilagay ni joshua sa baywang ni kaycee ang mga kamay nito saka sila sumayaw habang nakatingin sa isa't isa.
Tila silang dalawa lang ang tao roon, mga bituing nagniningning sa gitna ng gabi..
"Congratz." Nakangiting bulong ni Joshua, tipid na ngumiti naman si Kaycee "kaw din."
Nilapit ni joshua ang kanyang mukha sa tenga ni kaycee na ikinabilis nito ang tibok ng puso. "You're so beautiful and it's true."
Natawa ng mahina si joshua na sa pandinig ni kaycee ay napakahusky nito dahilan para matakot siya sa sarili.
"Naririnig ko na ang bilis ng tibok ng puso mo, is that for me?" Napalunok si kaycee "happiness lang to, wag kang assuming." Natawa silang dalawa.Habang sumasayaw sila sa gitna at pinapanood ng mga tao ay pumwesto na ang isang lalaki sa may bintana sa isang building malapit sa school na kita ang view ng eskwelahan.
Sumilip ito sa scope at itinutok sa ulo ni kaycee, sa kabilang dako ng building ay may isa pang lalaki na may hawak na sniper na nakatutok kay joshua.
Nakahanda narin ang mga lalaking nakatago na nakapaligid sa buong eskwelahan na may mga hawak na baril.
Isang senyas at sabay na kinalabit ng mga snipers ang gatilyo pero bago pa iyon dumapo sa katawan nilang dalawa ay naramdaman na ito ni kaycee noong nasa stage palang sya na merong mali.
Patumbang niyakap niya si joshua at gumulong sila sa sahig. Tumama ang dalawang bala sa sahig.
"Shit! Attack!!" Nagsilabasan ang mga lalaki sa dilim, nagkagulo.
Ang iba ay napayuko,umiiyak, napatakbo o nagtago sa mga lamesa.
Kumilos kaagad si kaycee hinila niya si Joshua at sumabay sa kaguluhan dahilan para hindi mapansin ng mga lalaki.
"Tatanga-tanga!! Hanapin at patayin sila!!" Galit na utos ng leader.
Hila hila ni kaycee si joshua patakbo papunta sa likod ng building nila.
Hinarap ni kaycee ang seryosong si joshua "Joshua, you need to protect yourself--"
"Who are you?" Kumunot ang noo ni Kaycee "Wala na tayong pana--"
"Ikaw ba? Ikaw ba ang nagpapadala para patayin ang mga avellino?" May bahid ng galit ang boses ni Joshua
"No." Mabilis na sagot ni Kaycee, huminahon naman si Joshua ng sabihin niya iyon dahil kung sakaling siya nga ay baka mawasak na ang puso ni joshua ng hindi niya namamalayan.
Oo, meron ng pagtingin ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi pwede dahil ang isa ay may iba at ang isa naman ay dahil sa kanyang trabaho.
"Do you know how to use gun?" Tumango si Joshua, kinuha ni kaycee sa loob ng damit niya ang dalawang baril at dalawang kutsilyo. Binigay niya ang isang baril at kutsilyo kay joshua na ikinagulat nito. "I'm always prepared and don't talk too much because we don't have time."
Namula si joshua ng maghubad sa harap niya si kaycee, bumungad ang sexy'ng kaycee na nasa harap niya. Black Crop top with Black leggings with matching black heels. Naglagay ng pink nude lipstick si kaycee bago mag face mask ng puti na may disenyong katulad ng sa tattoo niya para hindi siya makilala ng mga nandodoon, Kita ang kanyang tattoo na nakakadagdag ng kasexyhan nito.
"Joshua, wag kang lalayo sakin. I need to protect you whatever happened." Tumango si Joshua, kinasa na nila ang kanilang mga baril.
May inilabas si kaycee sa bulsa ng leggings niya na isang device at inilagay sa tenga "Gellinie, nasan kayo?"
"Nasa banyo, nagtatago. Hinabol kasi kami." Sambit ni gelly sa kabilang linya
"Magkita nalang tayo sa venue." Saka niya pinindot ang device at sinenyasan si joshua na kumilos.
Nasa likod lang ni kaycee si Joshua habang nagmamasid sila sa paligid.
"Kailangan niyong makalabas dito ng kapatid mo." Mahinang sambit ni kaycce
"Paano kayo? Nababaliw na ba kayo?" Ayaw iwan ni joshua ang dalawa lalo na si kaycee
"At sino ka ba talaga?" Nagtatakang sambit ni joshua, umiling lang si kaycee "saka ko na sasabihin pag nakaligtas kayo dito." Nang may naaninag silang paparating ay nagtago sila sa isang malaking bato.
Kinuha ni kaycee ang kanyang kutsilyo, nang nasa tapat na ng bato ang lalaki ay mabilis na kumilos si kaycee.
Umikot siya para pumunta sa likod ng lalaki at hiniwa niya ang leeg nito dahilan para matumba ito sa sahig ng naliligo sa sariling dugo.
Nagpatuloy sila hanggang sa makapunta sa venue ng walang tao. "Asan na sila?" Mahinang tanong ni joshua at tumigil sa paglalakad.
Hindi nagsalita si kaycee, pinakiramdaman niya ang paligid. "JOSHUA!!" Itinulak niya si joshua kasabay ng pagsabog sa kinatatayuan nila.
Tumilapon sa sahig si joshua samantalang si kaycee ay tumilapon din pero nakaupong nagslide lang siya sa sahig bago tumayo at itinutok ang baril sa palapit na lalaki kay joshua "Not so fast, young lady." Literal na napamura si kaycee ng maramdaman sa likod ng kanyang ulo ang baril.
Nagsilabasan sa dilim ang mga lalaki na nakangisi at may dalang mga baril.
"Nasaan ang mga tao?" Malamig na tanong ni kaycee, tumawa lang ang lalaking nasa likod niya "Hindi nanamin dinamay dahil kayong dalawa lang ang pakay namin." Tinulak niya si kaycee paabante hanggang sa magtabi na silang dalawa ni joshua na may nakatutok ding baril sa sentido.
Itutuloy~~~~
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]
Художественная прозаKaycee D. Torres aka Agent Fierce Sa mundong ginagalawan ni Kaycee ay napakagulo. Patayan. mahal niya kung ano siya. Pero nang dumating ang isang misyon na alam niyang magpapabago ng buhay niya ng hindi inaasahan ay mababago ba nun ang kanyang panan...