A few days passed..Habang naglalakad ako ay napasandal ako sa pader ng makita si Phin at Gia.
"Babe, i need to go." Sabay halik ni phin sa pisngi ni Gia saka ito umalis.
I knew it. The way they look to each other..
Lumabas ako sa pinagtataguan ko "Why are you doing this?" Nagulat siya at nilingon ako, nakakibit balikat ako habang tinititigan siya.
Ngumisi siya "what are you talking about?"
Huling huli ka na..
"Stop it. I saw everything. I hear everything." Napawi ang ngisi niya at lumuhod sakin at takot na takot na tinitigan ako.
"Please Kaycee, wag mong sasabihin kay joshua about samin ni Phin. Please.." Pagmamakaawa niya, nagsimula ng magsilabasan ang mga luha niya.
Itinayo ko siya "Wala akong sasabihin pero di din kita pagtatakpan. Habang maaga pa, do what's right." Saka ko siya iniwan na nakatulala.
Kapag nalaman ito ni joshua ay paniguradong Wasak siya. Pero hindi ko din kailangang makialam sa kanila dahil alam kong sa huli ay maiipit ako.. Magkakagulo lang lalo. At ayoko ng dumagdag pa sa problema ko ito.
Nang makapasok ako ng classroom ay nakita ko kaagad si joshua na nakakunot ang noo'ng nakatingin sa cellphone, nahagip ng mata ko si phin na nagtatawanan sa mga kabarkada niya.
Lumapit ako roon "we need to talk." Malamig kong sambit, natigil sila sa pagtawa at napatingin sakin.
"Siya na ba ang bago mong fling?" Inis na nilingon ko ang nagsalita na nakangising tinititigan ako pababa.
Pervert. "Kung ayaw mong mabaog mabuting manahimik ka." Napa woah nalang sila, bumaling muli ako kay Phin na nakangisi pa din
"What do you want?" I just rolled my eyes "We need to talk." Mariin kong sambit
Humalakhak siya "Hindi ka na ba makapagpigil?" Naubos ang pasensya ko, kinuwelyuhan ko siya sabay suntok.
Nagkagulo ang lahat, hinawakan niya ang panga niya at galit na tumitig sakin "ano bang problema mo?!"
"Gusto mo bang sabihin ko sa kanilang lahat kung gaano ka kalandi na pati ang may karelasyon ay pinapatulan mo?!" Nagkaroon ng matinding katahimikan, namutla siya.
"Kung ano man ang pinaplano mo, tumigil ka na. Or else. Hindi ka na makakakita pa ng araw." Saka ako lumabas ng classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/107135559-288-k560846.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]
General FictionKaycee D. Torres aka Agent Fierce Sa mundong ginagalawan ni Kaycee ay napakagulo. Patayan. mahal niya kung ano siya. Pero nang dumating ang isang misyon na alam niyang magpapabago ng buhay niya ng hindi inaasahan ay mababago ba nun ang kanyang panan...