"Hello." Tinitigan ko siya bago bumaling muli sa pagbabasa."Hey." Di ko siya nilingon
"Heyo." Sumalubong ang mga kilay ko, di ko na maintindihan ang binabasa ko.
"Kaycee--" inis ko siyang nilingon
"What the hell do you want?" Inis kong tanong sa kanya
Ngumiti siya pero kita ko sa mga mata niya ang takot at kaba pero di niya pinapahalata.
Lumunok siya "P-Pw-pwede ba tayong magsabay mamaya....pag uwi?"
Blumangko ang ekspresyon ko "why?"
Nagkamot siya ng ulo "I-I..I.. Gusto ko lang sanang makipagkilala." Nahihiya niyang sambit
Bumintong hininga ako "oh really? Eh bat kailan pa tayo sabay na umuwi kung pwede namang ngayon magpakilala?" Nagulat siya sa binitawan kong mga salita at mas lalong nahiya
Tumayo ako, nakita ko ang lungkot, pagkapahiya at dismayado sa mukha niya,
"Kaycee Torres, you are?" Nagulat siya ng maglahad ako ng kamay sa harap niya. Tinitigan niya ito sandali bago ngumiti, tumayo at tinanggap ang nakalahad kong kamay.
"Loven Santiago." Binitawan ko ang kamay niya saka umupo ulit at nagsalpak ng earphones sa tenga.
Maaga akong pumasok dahil sa isang kadahilanan.
Flashback.
Pinagawa ko kay charles ang lahat at tumama lahat ng kutob ko.
The red nude lipstick.
Strong Smell Wine.
The scent.
The note.
And the Girl.
Abegail Ruiz is not just a normal student. Isa siyang Agent Assassin. Pinadala para patayin ang mga tulad namin.
Pero sino? Sino si red? Sino ang may pakana ng lahat ng to. Bat niya pinatay si Ruiz?
End of flashback
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung sino si red.
"Nerd." Nilingon ko si gia na nakatayo sa harapan ko, mataray na nakatingin sakin.
Bumuntong hininga ako tsaka tinanggal ang earphones.
May sasabihin si Gia pero di ko na pinakinggan dahil puro pang iinsulto lang naman.
Pumasok na ang teacher kaya umupo narin siya sa kabilang row.
Nagkaroon kami ng Surprise World History Test.
Habang nagtetest ako ay panay ang bulungan ng iba dahil sa surprise nga ay di sila nakapaghanda.
kasalukuyan akong nagsasagot ng..
[Phone Ringing: Ignorance by Paramore]
Napunta ang lahat ng atensyon nila sakin pati ng teacher na napaka sama ng tingin sakin.
"Excuse me." Tumayo ako at lumabas ng room.
"Wrong timing Gel." Iling iling kong sambit habang nakasandal sa pader
"Sorry naman! Pati kasi yung Daddy mo wrong timing sa pagtawag sakin." Sumeryoso bigla ang ekspresyon ko
"Bakit ka tumawag?"
"Ayun na nga. Hinihingi ng daddy mo sakin yung no. Mo kaya tinawagan muna kita kasi diba nga sabi mo kailangan ng permiso mo?"
"Tss, give it to him." Saka siya binabaan
Pumasok muli ako sa classroom at binigay sa teacher ng ubod ng sama ang tingin sakin ang papel ko.
"Maam, may hinihintay po akong tawag so may you excuse me?" Di ko na siya hinintay pang magsalita, lumabas na akong muli. Saktong tumawag na si daddy na agad kong sinagot.
Tahimik ang kabilang linya ang sumalubon sakin, napabuntong hininga nalang ako.
"Go to the mansion, were here. We have a guests here so come here before 8 pm." Saka niya binaba ang linya
Tinapos ko ang buong school hours ko ng nasa ibang mundo ang aking utak.
Di ko nga namalayan na uwian na.Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom, mabibilang ko na sa mga daliri ko ang mga nakakasalubong ko dahil kanina pa uwian.
Paglabas ko ng gate ay medyo madilim na rin, naglakad ako ng naglakad hanggang sa lumiko na ako sa eskinitang lagi kong dinadaanan.
"Gago ka pala eh!" Bago niya pa masuntok si joshua ay mabilis akong kumilos.
Hinawakan ko ang kamao niyang tatama sa punong puno ng pasa at sugat si joshua, nagulat ang dalawa. Sinikmuraan ko ang lalaki dahilan para mapahawak ito dito at umatras.
Inalalayan ko si Joshua at isinandal sa kotse ko. "Sino yan?" Seryosong tanong ko
May mga hiwa sa ibat ibang katawan niya at may napagtanto. Kumulo ang dugo ko.
"D-Di ko.. Alam." Nanghihina at nahihirapan niyang sambit.
Bumuntong hininga ako "LIKOD!!!" Mabilis akong nakakilos, siniko ko ang lalaking nasa likod ko at mabilis akong humarap at inagaw sa kanya ang kutsilyo na agad kong nakuha sabay uppercut ng tuhod ko sa tyan niya, pumunta ako sa likod niya at nilagay ang kutsilyo sa leeg niya at hinarap sa mga kasama niyang susugod pa sana pero natigilan ng gawin kong bihag tong kumag na to.
"Sino kayo?" Seryoso kong sambit na ikinatawa nila.
Napansin ko ang tattoo sa mga leeg nila na ikinagalit ko lalo. I gritted my teeth as i saw that fuck*ing tattoo.
"Sino ka rin ba para tanungin kami? Ang lakas ng loob mong babae ka ah! Bakit sino ka ba?!" Nagngitngit ako sa galit habang matatalim silang tinitigan.
Mukhang natakot sila sa pagtingin ko pero di sila nagpapatinag.
"Malalaman niyo rin, sa ngayon pahalagahan at magdasal na kayo dahil nalalapit na ang mga oras ninyo." Saka ko pinakawalan ang lalaki at tinulak sa kanila.
"Ha!? Bat kami makikinig sayo?! Isang hamak ka lang na babae!"
"Gusto niyo bang dumanak ang dugo dito? Kcor's." Nanlaki ang mga mata nila
"Sino ka ba talaga?" Natatakot nilang sambit
"Mas mataas pa sa inaakala niyo." Seryoso kong sambit at nilingon ang naguguluhang si Joshua bago bumaling muli sa kanila.
Tinuro ko si joshua "Don't you dare touch my guy or else, I'll rip off your stupid life. Get out." Nagsitakbuhan sila
Napabuntong hininga ulit ako at nilapitan si joshua "you need to come with me." Saka ko binuksan ang passenger seat at dahan dahan ko siyang ipinasok bago ako pumasok sa driver seat at pinaharurot ang kotse ko.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]
General FictionKaycee D. Torres aka Agent Fierce Sa mundong ginagalawan ni Kaycee ay napakagulo. Patayan. mahal niya kung ano siya. Pero nang dumating ang isang misyon na alam niyang magpapabago ng buhay niya ng hindi inaasahan ay mababago ba nun ang kanyang panan...