Kanina pa ako dito sa sala na nakatulala sa painting. Parang tanga lang noh?Hindi naman na talaga ako babalik ng korea eh, pero paano ang mga naiwan ko doon?
May mga kailangan pa ako doon... May kailangan pa akong gawin na hindi pa natatapos.
Nagpasya akong akyatin na si Joshua dahil kanina pa ako kinukulit ni Mrs. Avellino.
Pagpasok ko ay di ko siya nadatnan pero naririnig ko ang ingay ng shower na nanggagaling sa CR kaya pinagmasdan ko muna ang buong kwarto.
White Curtains, white room, white floor, napailing nalang ako. As pure as her...
"Jesus!" Nilingon ko siya at natigil sa kanya ang paningin ko.
Psh, wala kang binatbat man lang sa kanya. Tsk. Tsk.
"Pwede picturan para may remembrance ka." Joshua smirk na ikinaseryoso ko.
"Hindi ako nasisindak ng katawan mong walang binatbat sa kanya." Bulong ko
"Teka sinong siya? Gwapo ba? Ilan ang abs? Sabihin mo! Baka isang daan na paligo lamang ko doon ah! Baka ng 2 abs lang yung 'kanya' mo." Kung alam mo lang...
"Let's go." Saka ako bumaba "teka naman! Eh magbibihis pa ako!" Sigaw niya, bahala ka dyan.
"Teka nga, paano mo nalaman na dito ako nakatira? Stalker kita noh?" Lakas naman ng hangin nito.
Lumabas na ako ng kotse at dire diretso papasok. "Harangin niyo yan! Trespasser yan!" Hinarangan ako ng tatlong guard na malalaki ang katawan.
"Kung ayaw niyong malumpo at mawalan ng trabaho padaanin niyo ako." Malamig kong sambit, mabilis silang umalis sa harapan ko kaya pumasok na ako at sinalubong ako ng yakap ni Mrs. Avellino.
"Ay jusko! Anong nangyari sa baby ko?!"
"Ma! Hindi na ako baby." Nakangusong sambit ni Joshua
"Ang tanga po kasi ng anak niyo, natapilok siya sa second floor namin. Ayun dire diretso sa hagdan namin pababa." Saka ako naglakad papuntang kusina
"Baby naman?! Kailan pa naging tanga ang anak ko?! Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" Narinig kong sermon ni Mrs. Avellino
"Ma naman! Naniniwala ka dun? Eh di mo nga kilala yan eh dun ka pa naniniwala!" Pagmamaktol ni joshua
"Baby i know kaycee noh! Ano ka ba!" Umupo ako sa mesa at kumuha ng strawberry sabay lamon.
"Feel at home ah?" Di ko pinansin ang nakangangang si joshua.
"Kaycee! How are you na?!" Nakangiting tanong ni Mrs Avellino.
"Okay lang po tita Merryl." Kaswal kong sambit habang lumalamon pa din ng strawberry
"Do you want more strawberries Kaycee?!" Tumango ako, nag utos siya sa maid at wala pang ilang minuto ay nasa harapan ko na ang isang malaking mangkok ng strawberries
"Mama! Strawberries ko yan eh!" Sambit ni joshua
"Bibili nalang tayo later! Para kay Kaycee na yan." Dumila ako kay joshua sabay kain ulit.
"Ti--- Kaycee!!!" Napapikit ako at halos hindi makahinga sa yakap ni gelly.
"I Can't breathe." Kumalas na si gelly sa pagkakayakap at tumabi sakin, ngumiwi siya ng makta kung anong kinakain ko "Hindi ka ba nagsasawa dyan kaycee? Puro ka strawberries!"
"Pinapakialaman ba kita? Shut up." Ngumuso lang si gelly.
"Yow." Bati ni Josefino saka umupo sa harap ni gelly. "You are?" Tanong niya sakin
"Kaycee, Joshua's Girlfriend."
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]
Ficción GeneralKaycee D. Torres aka Agent Fierce Sa mundong ginagalawan ni Kaycee ay napakagulo. Patayan. mahal niya kung ano siya. Pero nang dumating ang isang misyon na alam niyang magpapabago ng buhay niya ng hindi inaasahan ay mababago ba nun ang kanyang panan...