25: Alone

2K 58 0
                                    


This chapter is gonna be so emotional lalo na sa mga taong itinakwil ng sariling pamilya.

-/-/-//-/---//-//-//-//-/--/-/-//-/--

Isang malakas na sampal ang natanggap ko sa aking ama.

Taas baba ang dibdib niya na inaalalayan ni mama. Nasa likod ko naman ang mga nakatungong si Kaius, Kaylee at Kaiden.

"DISGRASYADA KA!! AKALA MO BA DI KO MALALAMAN?! BUMIGAY KA SA LALAKING YON?! MAGPAPABUNTIS KA PA! SIRA NA BA TALAGA ANG ULO MO?!" Tinitigan ko lang siya "I'm so--" napaupo ako sa sahig ng suntukin niya ako, dumura ang ng dugo saka dahan dahang tumayo pero sinuntok niya ulit ako dahilan para mapaupo ulit ako.

Lalapit sana si Kaiden para tulungan ako ng pigilan siya ni Kaius.

"SORRY?! HINDI KITA MAPAPATAWAD!! WALA AKONG ANAK NA INUTIL AT BOBO!!" Galit na sigaw niya, tumungo lang ako at di mapagilan ang pangingilid ng luha ko.

"Ngayon pa lang kaycee wala ka ng kinabukasan!" Hinilot niya ang sentido niya, tumayo ako dahan dahan.

namamanhid ako.. Ang sakit.. Sobrang sakit..

"ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo! LUMAYAS KA!" Sabay turo sa pinto

"PA! Hindi na tama! Wag mong palayasin si kaycee!" Umiiyak na pagsusumamo ni kaylee na ikinailing ko nalang

"Ako pa ngayon ang mali?! Magdusa sya!! Nagpakasarap siya diba?! Bahala na siya sa buhay niya!! Sana nga ay di ka nalang nabuhay eh. Para walang perwisyo." Napanganga kaming lahat sa huling sinabi niya.

Tila lahat ng sakit ay mas lalong sumakit. Umakyat ang dugo ko sa utak ko. Kumuyom ang palad ko. "Sana nga, dahil mas gusto ko pang mapunta sa impyerno kaysa maging ama ka." Dinuro niya ako "Aba't sumasagot sagot ka na!!"

"Dahil may bibig ako." Pambabasag ko at hinawakan ang maleta "Wag na wag kayong makahingi ng tulong sakin." Saka ako tumalikod

"HINDING HINDI DAHIL WALA KANG KWENTA!" Sigaw ni papa, nilingon ko siya at ningisian "ah talaga? Sinong mas walang kwenta satin? Ang amang hindi nagampanan ang tungkulin sa pamilya o ang anak na hindi nagabayan ng ama?"

"Sumosobra ka na!!" Lalapit sana siya ng pigilan siya ni kaiden at kaius.

Humagulgol na sa iyak si mama samantalang si Kaylee ay inaalo si mama pero siya din ay umiiyak

"TANDAAN MO TO KAYCEE! WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN! SIMULA NGAYON WALA KA NG BABALIKAN PA!"

Ngumisi ako, dyan ka nagkakamali "Tandaan mo rin to Mr. Torres, Sisiguraduhin kong makukuha ko ang lahat ng akin kasabay nun ang pagbagsak mo." Saka ko siya iniwang nakanganga at tila hindi makapaniwala.

Dinial ko ang numero ni Charles "Charles. I want you to do me a favor."

I am alone. But i know i can win. Makukuha ko ang lahat ng akin. Na karapat dapat sakin.

Maghintay lang kayo, pag nalaman ko ang lahat ng sekretong itinago sisiguraduhin kong babagsak ang babagsak at aangat ang aangat.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon