5: The Note

3K 93 0
                                    



"Dami mo ng haters ah?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Dahil sa nangyari kahapon ay mukhang naimpluwensyahan ng demonyo ang mga utak ng mga ito.

Panay ang bulungan at tinititigan na akala mo ay pinapatay ka gamit ito.

Napabuntong hininga nalang ako "Kita nalang tayo mamaya." Tumango si Gelly at naglakad na samantalang ako ay pumasok na ng classroom at naglakad papunta sa upuan ko.

Habang papalapit ako ay may nakita akong sulat na nakapatong sa mesa ko.

Umupo ako at kinuha iyon, kulay pulang envelope na may palamuti pang ribbon na itim. Walang anumang nakasulat.

"Ang ganda mo talaga! May secret admirer ka!" Nahimigan ko ang pagiging sarkastiko niya pero di ko pinahalata

"Admirer agad? Di ba pwedeng death threat?" I smirk saka binaling muli ang paningin sa envelope.

Binuksan ko iyon at kinuha ang isang puting papel. Pagbukas ko iyon ay sumeryoso ang ekspresyon ko.

-Let's start the game! I Seek the first, you Seek the last that lead to me and to your own death.

-Red

Napatayo ako.

"Kaycee.." Tinitigan ko siya, bumaling siya sa baba kaya napabaling din ako doon at ng marealized ko na nilulukot ko na ang papel ay nilagay ko iyon sa bag ko saka siya tinitigan muli.

"What is it?" Seryoso kong tanong sa kanya

"About sa Hate--" i cut him off

"No need. I don't care. Joshua, Stay alert at all times. May mga taong bigla bigla ka nalang sasaksakin." Saka siya iniwang nakanganga.

Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa mapunta ako sa quadrangle na kinukumpulan ng mga tao.

Sumandal muna ako sa likod ng poste tsaka kinuha ang mask ko at isinuot bago puntahan ang pinagkukumpulan nila.

Natatanaw ko ang mga pulis, abulansya at ang mga yellow Line.

Hinarang kaagad ako ng isang pulis na ikinasimangot ko.

"Miss bawal kayo dito." Inis kong kinuha sa bulsa ang badge ko sabay pakita sa kanya. Nung una ay di siya makapaniwala pero di kalaunan ay giniya pa niya ako papasok.

"Inspector Nucup." Tinitigan niya ako at ng lumaon ay mukhang nakilala niya ako.

"It's my pleasure to meet you again Miss Torres! Kamusta na ang dad mo?" Nakangiting tanong niya

"Dad's always busy at his company. Anong nangyari dito?" Tanong ko

"Mukhang nagsuicide ang batang ito. Uminom siya ng Lason sa basong iyan" sabay turo sa may basag na baso.

"Wala bang nakakita?" Umiling siya "wala dahil ang lahat ay nasa Classroom na dahil pagkatapos ng 5 minuto ay mag uumpisa na ang klase." Tumango ako at pinagmasdan ang nakahandusay.

Nasa baba ng kamay niya ang isang basong basag. Nakahiga ito at nakapikit. Nakasuot ng uniform namin kaya malamang estudyante ito rito.

Umupo ako at mas lalo siyang tinitigan dahil baka may makita ako.

"Ano pagkakakilanlan niya?" Tanong ko, hindi inaalis ang titig sa biktima

"Siya si Abegail Ruiz ng Grade 9 sec. A" napatango ako.

Nagsuot ako ng gloves saka kinuha ang baso at pinagmasdan ang bawat gilid hanggang sa nakakita ako ng maliit na bahid ng dugo sa may paanan o baba sa gilid ng baso. Sa sobrang liit lang ng bahid ay di mo ito makikita maliban na nga lang kung pinagmasdan mo ito ng maigi. Ang isa pa ay may bahid din ng kulay pulang lipstick ang baso kaya malamang ininuman ito ng taong nakalipstick.

Hindi ito Suicide kundi Murder na pinagmumukhang suicide.

Tinignan ko ang loob ng baso at may natira pang liquid substance. Nilagay ko ito sa isang tube case saka tinago sa bulsa.

Inangat ko naman ang ulo ng babae at tinignan ang likod ng ulo.

Hinawakan ko iyon at tama ako ng hinala. May bumahid ng dugo sa gloves ko.

Tumayo ako tsaka nagpaalam kay inspector bago lisanin ang lugar at bumalik sa classroom.

Nilagay ko kaagad sa bag ang gloves at mask ko pagkadating ko roon kasabay din ng pagpasok ng teacher.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon