48: Captivated

1.8K 43 0
                                    




Kaycee's POV

"Doc, kamusta na siya?" Namumugtong mga matang tinitigan siya

Bumuntong hininga siya "Ms Kaycee huminahon ka."

"Paano ako hihinah-- argh!" Napahawak ako sa tyan ko ng kumirot iyon.

"Ms. Kaycee, don't stress out yourself. It's a miracle na hindi sila nawala kaya pahagalahan mo ang pangalawang pagkakataon, maraming taong gustong maging ina tulad mo pero di sila nagbigyan ng ganong biyaya. Maiiwan ko muna kayo." Saka lumabas si doc.

May hugot si doc Psh.

Tumingin ako sa puting kisame saka pinakiramdaman ang sarili.

Kasalanan niya lahat ng to. Magbabayad siya.

"Maam, checheck ko lang po yung dextrose niyo." May pumasok na isang lalaki saka lumapit sa dextrose ko saka may ininject.

Saka ko lang napagtanto kung ano yung ininject niya ng bigla nalang akong mamanhid at inantok.

"Sleep tight and don't let the bed bugs bite." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Jerz..." Sambit ko sa pangalan niya bago mawalan ng malay

Gelly's POV

"The patient is at the state of being commatose, hindi pa natin alam kung kailan siya magigising. I'm really sorry." Napabuntong hininga si josefino na niyakap naman ni beatrix kaya nag iwas ako ng tingin.

Hayyss buhay pag ibig nga nama--

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si kaycee na nasa wheelchair na walang malay habang tinutulak ng isang lalaki.

"HOY!" Sigaw ko saka sila nilapitan.

Patakbo akong naglakad habang pinupuntahan sila, naglabas ng baril si JERZ. Saka itinutok sakin pero naramdaman ko ang malakas na pagtama sa likod ko ng malamig na pader.

"Halika na!!" Sigaw ni Jerz kay nikx na tumakbo at pumasok sa elevator.

Bumagsak ako sa sahig saka ko nahagip ang walang kamalay malay na si Kaycee bago magsara ang pinto ng elevator.

Naramdaman ko ang pagkirot ng baba ko dahilan para mapatingin ako at manlaki ang mga mata.

Dumausdos ang dugo sa mga binti ko pababa sa sahig.

"Gellinie!!" Agad na lumapit si Josefino sakin at binuhat ako.

Nanlaki ang mga mata ni beatrix at napatakip sa bibig.

"Hold on please.." Mabilis na naglakad si josefino.

Unti unting nagwagi ang kadiliman at wala na akong maramdaman na kahit ano.

----

Joshua's POV

"Kaycee!!" Hindi siya lumingon

Nasa isang payapang lugar kami, ang sahig ay napupuno ng mga puting rosas. Nakasuot siya ng puting bistidang satin, nakalugay ang kanyang buhok at nakatalikod sa akin.

Habang papalapit ako sa kanya ay tila palayo naman siya hanggang sa tumakbo ako.

"Kaycee!!" Natigil ako sa pagtakbo, dumilim ang kalangitan na kanina ay maliwanag.

Pagtingin ko ay wala na si kaycee.

Napaatras ako ng unti unting naging pula ang mga puting rosas.

"Joshua." Hindi ako nakagalaw ng makita si kaycee na nakangiti habang may dalawang baby sa bisig niya.

"Kay-cee.." Nagsimulang kainin ng pulang kulay ang damit ni kaycee na nag umpisa sa dibdib niya.

"Joshua.." Nagmamakaawa ito.. Lumuha siya ng dugo.

"Hindi." Umiling iling ako

Kaycee's POV

Nagising ako ng may malakas na pwersang dumampi sa pisngi ko.

Tinitigan ko siya ng masama "surprised?" Tumawa ng baliw si Ferry

Nakagapos ang dalawang kamay ko sa upuan pati ang dalawang paa ko.

"Bakit mo ba to ginagawa?" Seryoso kong tanong "Finally! At tinanong mo rin!" Pumalakpak siya, may pumasok na isang lalaki na naka lab gown.

"I want you to meet Mr. Scherniz." Lumapit sakin si ferry at hinawakan ang baba ko

"Gagamitin ka namin para maging tester para naman may silbi kahit papaano ang buhay mo."

"Baliw ka na talaga." Natawa siya saka lumayo, inakbayan niya ang doctor. "Naalala mo pa ba kaycee ang mga nawawalang Mercury 2 years ago? Let's just say na ako ang kumuha. Napakagaling ko talaga noh? Ahhahah!"

"Di ka sana nakialam edi sana maabutan ng mga anak mo ang mundo." Nagpumiglas ako na ikinatawa niya ulit.

"Pagbabayaran mo to!!"

"So Shall we start the game? Gusto ko na talaga mabura ka sa mundo." Ngumiti siya ng nakakaloko.

May pumasok na tatlong lalaking naka lab gown din na lumapit sakin.

Pagkatanggal nila ng pagkagapos sakin ay sinuntok ko si ferry na napahiga "ARGHH!!" Daing ko ng tinazer ako ng isa sa hita.

Hawak ng dalawang lalaki ang mga kamay ko, nasa likod ko naman ang isa at nasa harap si Dr. Scherniz.

Tumayo si ferry saka ako sinampal ng malakas sa pisngi. "Hayop ka! Sisiguraduhin kong mas mapapadali ang pagkabura mo sa mundo!" Nilabas nila ako.

Nangunot ang noo ko, nasa korea ba kami?

Hindi. Ito ang mansion ni Umma sa Cagayan...

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon