19: Broken Joshua

2.3K 55 0
                                    

Makakarelate kayo dito. Sa mga taong niloko ng mga Gf nila.

-Wag sayangin ang luha sa isang taong sinayang ang iyong pagmamahal. -Author

[PLAY THIS WHILE READING FOR SOME EMOTIONAL EFFECT XD (Paano ba ang magmahal by Sarah Geronimo and Piolo Pascual)]
-/-/--//--//-//-//--//-//--/1-/--/--/

Kaycee's POV

Tatlong araw ng nakatira si Kaylee sa bahay ko.. Tatlong araw narin akong katulong slash taga utos niya!

Simula nang gumising siya galing sa pagkakasuntok ko ay nag iinarte ang magaling kong kapatid.

Nandito ako ngayon sa mall dahil pinapabili niya ako ng strawberries.

Ilalagay ko sana ang isang lupon ng strawberries ng mahagip ng mga mata ko si Joshua na nakatayo sa labasan ng Supermarket.

Kumunot ang noo ko at wala sa sariling linapitan siya.

Nakasalubong ang mga kilay ni Joshua at kita ko sa mga mata ang.. galit at tila.. Nasasaktan.

Tinignan ko kung saan siya nakatingin at alam ko na kung bakit...

Magkayakap habang naglalakad si Gia at Phin.

"Josh--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Hinila niya ako, sinusundan na namin sila phin palabas ng mall.

Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkasalikop, lumakas ang kabog ng puso ko at kinabahan ako sa nararamdamang iyon.

Nang pumasok na ng sasakyan ang dalawa ay ipinasok ako ni joshua sa loob ng kotse niya saka siya pumasok at mabilis na pinaandar iyon.

Nakasunod lang kami, siguro ay dalawang sasakyan ang pagitan. Bago lang din ang gamit niyang sasakyan at mukhang tinted pa kaya di kami makikita o makikilala man lang ng dalawa.

Tahimik kaming dalawa habang sinusundan ang dalawa hanggang sa pumasok sila sa underground parking ng isang Condominium.

Pagkapasok nila ng elevator ay sa hagdan naman kami dumaan.

Alam kong wala sa sarili si Joshua at pinangungunahan siya ng galit niya, hindi man lang niya nararamdaman na humihigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay namin.

Pumasok silang dalawa sa isang unit na mukhang kay Phin.

Lalakad sana siya papunta roon ng hinila ko siya at itinulak sa pader, lumapit ako ng konti "Wag mong hayaang pangunahan ka ng emosyon mo." Tila natauhan siya pero di parin natatanggal ang galit niya.

Natahimik kami sandali... Siguro kailangan na niyang harapin ito. Hinila ko siya at pumasok kami sa Unit, nakapasok kami dahil hindi nakasara ang pinto ng maayos.

We saw them kissing passionately.

"Happy Anniversary Gia and my bestfriend Phin. Hindi niyo man lang ako inimbita." Nagulat kami sa sinabi ni Joshua. Matigas ang pagkakasabi nun at the same time ay mararamdaman mong masakit. Masakit sa kanya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.. Ibang klase...

Tumalikod si Joshua pero hinabol siya ni gia.

"Joshua." Hikbi niyang sambit

Tila nanonood ako ng K drama.. Pati ba naman ngayon kaycee? Meh gana ka pang manira ng moment?

Humarap siya kay gia at nakita ko ang galit sa mga mata niya "one year. One fuck*ng year niyo kong niloko?!" Nabasag ang boses niya at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya

"I-I'm sorr--" naiiyak na talagang sambit ni Gia but joshua cut him off

"No! Ayaw na kitang makita pang muli!" Saka siya nagwalk out.

Humagulgol sa iyak si gia at tinitigan ako, tinitigan ko rin siya "I told you." Umiling iling ako at sinundan si Joshua.

Mabilis akong naglakad hanggang sa makita ko ang elevator na sumara na, napamura ako at dagliang bumaba gamit ang hagdan papuntang Parking lot.

Hindi ko alam kung bakit ko siya susundan pero tila nasasaktan din ako na ayaw kong maramdaman.

Hingal na hingal akong naglakad papunta sa kotse niya, sumandal ako sa pinto ng passenger.

Nakita ko ang pagbukas ng elevator, umiiyak siyang papunta sa kinaroroonan ko pero di ko na pinatagal.

Lumapit ako saka siya niyakap, naramdaman kong bumuhos lalo ang mga luha niya habang papayakap na rin sakin. "Bakit?" Para siyang tangang natatawa na umiiyak sa balikat ko.

"Bakit kaycee? Nagmahal lang ako. Pero tila. Tila namatayan ako sa sobrang sakit.." Tumigil siya at natahimik kami ng ilang mga minuto.

Humiwalay siya at walang pasabing hinila ako at lumapit sa kotse. "Get in." Malamig niyang sambit, bumuntong hininga ako at pumasok sa passenger.

Pumasok na siya at pinaharurot ang kotse paalis. Di ko alam kung saan kami pupunta.. But.. I think he needs me. At his side..

Just now. He needs me.. Pagbibigyan ko ang sarili ko.. But after this night. There is a possibility that...

I'll fell for him. Really hard.. And god please. I don't want to.. Not now.

-/-//-//--/--//--/----

Hey guys!

Omg! Meron na kaycee!!! Mapapahiwalay na kaya si kaycee sa nakagisnan niyang mundo at kay Joshua?

Or...

Pipili siya sa dalawa? Ang dalawang alam niyang pag pinili niya ang isa ay masasaktan pa rin siya.

Thank you for reading! I hope you'll enjoy the next chapters.

Sa mga susunod na chapter ay paniguradong kikiligin kayo.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon