Gelly's POV"Ano ba talaga kayo?" Iniinterrogate ako dito ng dalawa!
Bumuntong hininga ako "Kami ni kaycee ay isang secret agent na may misyong protektahan kayong dalawa na ipinaguutos ng inyong mga magulang." Ayan na! Huhu! Revealed na!
"Gelly!" Tumayo kaagad ako at niyakap si Ate Yuri "Where's my Little sis?" Napatingin ako kay kuya Kaius sabay iling iling.
"Kuya Kaius, nakuha si Kaycee samin." Nagsalubong ang mga kilay nito "What?! At bakit hindi niyo man lang sakin sinabi na nagtratrabaho parin kayo?! Diba pinagresign ko na kayo as agents! Bakit ba ang titigas ng ulo ninyo!" Kaius pinch the bridge of his nose.
"Hoy ikaw Kaius! Sinabi ko bang Sigawan mo tong kapatid ko?! Gusto mo bang batukan kitang leche ka?!" Inis na sambit ni Ate na ikinailing lang ni kaius.
"Where's her gun?" Nanlaki naman ang mga mata ko ng tanongin iyon ni Kuya.
Lumapit si joshua samin at inilahad ang baril ni kaycee "Here." Nakakunot noong sambit ni joshua dahil kahit kami ay naguguluhan sa aksyon ni kuya.
Lumapit siya sa lamesa at ipinukpok ang baril ng malakas dahilan para matanggal ang magazine at ang cover ng itaas na bahagi. Nanlaki ang mga mata namin ng may papel iyon sa loob.
"Laging nag iiwan ng note si kaycee sa loob ng baril niya para kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon ay may sulat na siya kumbaga simula umpisa pa lang ay mautak ang kapatid ko." Ngumiti samin si kuya "Simula umpisa palang ay alam niyang may mangyayari kaya nakagawa siya ng plano sa utak niya."
"Hindi man lang niya sinabi sakin. Psh." Pagtatanpo ko na ikintawa ni kuya "Mayabang kasi ang kapatid ko kaya initindihin mo na iyon."
"Ibig sabihin ay sa simula palang ay alam na niya na ganito ang mangyayari?" Tumawa muli si Kaius sa sinabi ni Josefino "wrong."kumunot ang noo ni josefino.
"Hindi niya alam na ganito ang mangyayari pero sa napakabilis na panahon ay mabilis siyang nakakagawa ng isang plano na siya lang ang nakakaalam. Kilala na niya ang may gawa nito." Binuksan niya ang note at ipinakita sa amin.
May nakasulat na address roon at may nakalagay pang: GO HERE ASAP! Pasalubong ko Kuya TY.
Kaycee's POV
Habol ko ang hininga ko habang nakasandal sa pader at iniinda ang lahat ng pinaggagagawa sakin ni Kaylee.
Isa talaga siyang dakilang baliw.
Kailangan kong makaipon ng lakas para makaalis rito.
Bumukas ang pinto at bumungad sakin si kaylee na may iniinom na wine habang nakangising nakatingin sakin.
Umupo siya sa kaharap kong upuan.
"Musta ang laro? Nag enjoy ka ba?" Nakangising sambit niya"Yeah. But your unfair." Nakangisi ko ding sambit "unfair? Tell me about it."
"Hindi mo lang ba ako pagbibigyang maglaro na ako ang masusunod?"
"That will never gonna happen sis." Aish! Akala ko maiisahan ko ang bruhang ito.
"Pumanget ka ngayon kaylee, tumaba ka pa." Napawi ang ngiti niya at nanginig siya "what? Are you insulting me?!"
"I'm just stating a fact. Bitch." Ngumisi ako ng lumapit siya sakin.
Wrong move, bitch. Hindi man lang niya napansin na wala ng tali ang katawan ko. Psh.
Nagulat siya ng tumayo ako at gamit ang braso ko ay sinakal ko siya at pumunta sa likod niya. Inilapit ko ang kutsilyo sa leeg niya. "Improving." Sisikuin niya sana ako pero dahil sa maagap ako ay nahawakan ko ang siko niya and push it back, dumiin ang kutsilyo sa leeg niya. May lumabas na dugo roon.
"Gusto mo na bang mamatay?" Parang demonyang sambit ko.
Mabilis na bumukas ang pinto dahilan para mabaling ang atensyon ko roon, sinipa niya ako sa binti at kinuha ang kutsilyo at ako naman ngayon ang bihag niya.
"Kaylee?" Nagulat si Kaius ng makita ang takas sa mental niyang kapatid.
"Long time no see kuya Kaius."

BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]
Fiction généraleKaycee D. Torres aka Agent Fierce Sa mundong ginagalawan ni Kaycee ay napakagulo. Patayan. mahal niya kung ano siya. Pero nang dumating ang isang misyon na alam niyang magpapabago ng buhay niya ng hindi inaasahan ay mababago ba nun ang kanyang panan...