41:Son in law?

2K 46 1
                                    



Joshua's POV

Napahawak ako sa ulo ko at bumangon.

Where the heck am i? Lumingon lingon ako sa paligid, wala kang makikita sa paligid kundi puro..pulang kagamitan. Even the door.

"You're awake? Gosh, i thought you'll sleep forever." Pumasok ang isang matanda na naka red tube dress na may dalang Wine glass na may laman.

Tinitigan ko siya, somehow she resembles Kaycee.. Red Thin Lips, chinky eyes, chinky cheeks, olive color of skin and lastly her Piercing Eyes.

"Sino ka?" Tanong ko, ngumiti siya at umupo sa kaharap kong single sofa "Hindi mo na ba ako maalala?" Kumunot ang noo ko at umiling "Well, I'm your Mother in law." Napanganga ako "Ughh--"

"I'm Gia's Mother." Natuptop ko ang Bibig ko.

"Tita--"

"Don't call me tita, hindi mo ako kamag anak."

"Mama?" Sumama ang tingin niya sakin

"Are you even my Son?" Mataray niyang sambit, napalunok ako ng makita nanaman ang mga matang nakakatakot.

"Ale?"

"I'm even not from somewhere there."

"Manang?"

"Do i look like an Oldie to you?!" Mabilis akong umiling at ngumuso

"Miss?"

"Sorry to say but i'm a married woman."

"Hey?"

"What the hell?!"

"Edi ano bang gusto mong itawag ko sayo?!" Nagdabog ako habang napapakamot sa ulo.

Tumaas ang kilay niya "Señyorita." napangiwi ako "psh, pinahirapan pa ako." Bulong ko

"Anong sabi mo?!" Ngumiti ako ng peke "wala po.. Señyorita." Fishtick talaga.

Sumeryoso ako "bakit niyo po ako kinidnap?" Sumama ang tingin niya "Pinamumukha mo pa saking kinidnap kita?!" Napangiwi ako "totoo naman eh, bat kailangan niyo pa akong paluin sa ulo kung pwede namang kausapin mo ako ng maayos. Hindi kaya--" ngumisi ako ng nakakaloko na ikinakunot noo niya

"Señyorita pwede mo namang sabihing gusto mo tong makita." Sabay tingin sa 8 pack abs kong umuusok sa tshirt ko "Grabe ang gwapo at ang hot ko talaga." Sabay pogi sign sa kanya na nakanganga lang.

"Jusko lord kunin mo ko ngayon na ngayon na." Sabay tingin niya sa kisame "grabe kayo Señyorita ah! Parang diring dire pa kayo eh eto na ako sa harap mo.. Full Package na ako ayaw mo pa Choosy much teh?"

"Hindi ako pumapatol sa patutin!!" Ngumuso ako "Hala? May katarata ka na ata señyorita eh, tignan mo nga tong katawan ko puro muscles. May Triceps at biceps pa yan! Kahit hawakan mo pa! Tigas kaya neto."

Padabog na binuksan ang pinto at bumulaga sakin ang umuusok na ilong na si Kaycee na sobrang sama ng titig sakin.

"Subukan mong magpahawak, gigilitan kita sa leeg." Kinabahan ako sa sinabi niya.

Yoko pang mamatay! Maraming iiyak na Babae ultimong mga biik at Itik iiyak pag nawala ang kagwapuhan kong ako sa mundo.

"Sabi ko nga hindi." Ngumuso ako ng lumapit siya.

"At sino ka naman?" Tumayo si Señyorita at tinaasan ng kilay si Kaycee

Nagkibit balikat si Kaycee at tinaasan din ng kilay "ako lang naman si Kaycee. Ang anak mong iniwan sa iba." Nanlaki ang mga mata ko.

Namutla si Señyorita at natulala kay kaycee "Hugot pa more." Wala sa sarili kong sambit na ikinalingon ng dalawa at sinamaan ako ng tingin.

"Hehehe-- geh tuloy niyo na yung moment niyo-- wag niyo na akong pansinin." Napakamot nalang ako sa ulo.

-/-/-/-/--/-/----

Napaka isip bata talaga ng bruhong to!

Dedicated sa nagrequest na chatmate at kaibigan kong bruha din! Magsama kayo ni joshua bwisit -.-

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon