Elaine's POV
Alas syete na nang umaga at tahimik ako na bumaba galing sa kwarto ko. Namataan ko agad sa kusina si Mama at si Arturo, asawa niya. Nagtaka pa ako na nandito sila nang ganitong oras dahil madalas ay nauuna silang umalis dito sa bahay.
Derecho lang ako papunta sa ref para kumuha ng tubig. Mukhang sa labas na naman ako kakain nito.
"Elaine, hija, pwede ba tayong mag-usap?" saad ni Arturo.
Nagsalin ako ng tubig sa baso at humarap sa kanila na hindi lumilingon. Alam na siguro niya ang ginawa ko sa anak niya kaya gusto niya akong makausap ngayon.
Hindi ako nagsalita at uminom lang ako ng tubig, nakatingin lang sila sa akin na mukhang hinihintay pa matapos ang pag-inom ko.
Bakit ba kailangan pa nilang tumitig? Ngayon lang ba nila ako nakitang umiinom ng tubig?
"What is it?"
Naibaba niya ang kubyertos niya at tsaka nagpunas ng labi gamit ang table napkin, lumingon pa siya kay Mama bago ulit lumingon sa akin.
"I know... what you did to Queenie. Your Mom told me."
Hindi ako nag-react at hinihintay ko lang ang sasabihin niya.
"Alam namin na hindi kayo magkasundo ni Queenie noon pa... inobserbahan namin kayo ni Linda lagi pero dahil sa nangyari nitong nakaraan ay mukhang wala talagang pag-asa na magkabutihan kayo bilang magkapatid--"
"Your point is?"
Sandali siyang natigil dahil sa biglang pagputol ko sa kanya. Ang daming sinasabi.
He sigh, "Napag-usapan namin ng Mama mo na... mas mabuti siguro kung hindi na muna kayo magsama sa iisang bubong."
Agad kong nakuha ang punto niya. Tumango-tango pa ako, ang dami niya pang sinabi nung una, hindi pa niya ako dinerecho na gusto na niya akong paalisin dito sa bahay.
SA BAHAY NAMIN MISMO. Fuck that.
"Fine," saad ko at tsaka na naglakad na paalis.
"Elaine... listen to us first,"
Pigil sa akin ni Mama. Mabilis din akong lumingon sa kanila, "Maghahanap ako ng apartment agad-agad, wag kayo mag-alala."
"No, hija, you will stay in our condo,"
Kumunot ang noo ko, "Anong gagawin ko sa condo mo?"
"To make sure that you're still safe. May mga tao ako doon para bantayan ka at para sa mga kakailanganin mo--"
"Since pinapaalis niyo na ako, ibig sabihin kailangan ko na mamuhay mag-isa," umirap ako dahil sa iritasyon na nararamdaman, "Pakisabi kay Queenie na magtiis muna siya na nandito ako. At kapag nagreklamo siya... siya na yung umalis kamo dito."
Mabilis akong naglakad palabas ng bahay at dali-dali na sumakay sa kotse ko. Bumuntong-hininga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa manibela ng ilang sandali... this is okay. I am okay.
"Fuck this shit," bulong ko at nagsuot na ng seatbelt para makapagmaneho na papunta sa school.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa school, hindi ko pa naliliko ang sasakyan ko papunta sa Parking Lot pero mabilis akong nakapag-preno dahil may humarang sa daan!
Fuck! Magpapakamatay ba 'to? Bakit ako pa napili niya na papatay sa kanya?
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan kung nasagasaan ko ba siya. Pero andun pa din siya na nakatayo at naka-cross arms pa... kung ganito lang din pala edi sana tinuloy ko na ang pagmaneho ko at binangga siya!
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...