Elaine's POV
Simula nang nangyari noong nakaraan ay talaga ngang dumoble na ang security ko. Hindi hinayaan ni Kuya na may masama pa na mangyayari sa'kin.
Nilingon ko si Seth na nakabusangot habang nakalingon sa bintana ng kotse. Siya ang pinili kong kasama dito kesa sa driver at bodyguards.
"Ang sama ata ng loob mo?"
Hindi siya sumagot agad pero nakita ko na lumingon siya sa'kin.
"Bakit kasi kailangan mo pa akong isama? Akala ko ba nagsasawa ka na sa mukha ko? Eh bakit lagi mong hinahanap-hanap?"
Papunta kasi kami ngayon sa Manila para sa isang business meeting, tsaka binalak ko na rin na magtingin ng mga furnitures para sa office ko, at iyon ang dahilan kung bakit ko sinama si Seth dahil sa totoo lang ay mas magaling siyang mamili ng mga kagamitan kesa sa'kin.
May nakasunod naman sa'min na mga security kaya wala naman akong dapat ikabahala.
"Ah, galit ka?"
"Tss... ewan ko ba sa'yo. Nasa ngilid na ng panganib ang buhay mo pero ayaw mong ipaalam sa jowa mo."
"I already told you the reason,"
"Kaya ginagawa mo akong substitute?"
I glared at him, "Bakit ba ang drama mo?"
Sumimangot siya at mas lalong sumiksik sa kinauupuan niya.
Tumingin ako sa rear-view mirror para tingnan kung nasa likod pa ba ang sasakyan nung security. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong iba ang nakasunod sa amin.
Nilingon ko ang side mirror pero hindi ko sila mahagilap. Where did they go?
Sinubukan kong iliko sa kabila ang sasakyan ko, lumingon ako at ganon rin ang ginawa ng nakasunod samin na kotse.
"Fuck..." mahina kong bulong.
Great! So great!
Sinimulan kong bilisan ang pagmamaneho. Maghahapon pa lang kaya wala pang masyadong traffic kaya ang ginawa ko ay inunahan ko ang mga sasakyan na nasa harapan ko. Pero sa tuwing titingin ako sa salamin ay ganon din kabilis ang nakasunod sa'kin.
"Late ka na ba? Ba't nagmamadali ka bigla?"
"Hold still, Seth," hinigpitan ko ang paghawak sa manibela, "We we're being tailed,"
"What?!"
Mabilis siyang lumingon sa likod para tingnan kung ano ang kotse na nakasunod sa amin. Narinig ko na lang din ang mahina niyang pagmura nang mapansin niyang iba nga ang kotse na 'yon.
"Ayoko pang mamatay, Elaine!"
Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko kahit na nabubusinahan na 'ko ng mga kotse na nasisingitan ko.
Iniliko ko ang sasakyan dahil alam kong short-cut ito. Napahawak pa si Seth sa grab handle dahil sa mabilisan kong pagliko.
"Elaine! Dahan-dahan naman!"
"Can you shut the fuck up?!" sigaw ko.
"Ayoko pang mamatay!" sigaw niya pabalik sa'kin.
"Manahimik ka kung ayaw mong totoohanin ko 'yang sinasabi mo!"
"Ah!!!!!!!"
Isinawalang bahala ko na lang ang pag-iingay ni Seth kahit gustong-gusto ko na takpan ang bunganga niya.
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Roman d'amour"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...