Elaine's POV
Hindi ko inasahan na pupunta siya dito sa opisina ko. Alam kong may usapan kaming magkikita kami pero hindi niya ako tinawagan o sinabihan man lang.
At ngayong nasa harap ko na siya habang hindi matanggal sa'kin ang madilim niyang tingin ay talagang ramdam ko ang kaba, hindi pa siya nagsasalita pero grabe na ang kabog ng dibdib ko.
"What are you doing here?"
I tried to keep my voice calm. Pero nang lumapit siya ay halos umatras ako.
"Let's talk."
Napapikit ako ng mariin. Tumayo ako para mawala ang munting kaba na nararamdaman.
"Anjo, I know you have a lot of questions right now, but--"
"Sit down, Elaine."
Maawtoridad niyang saad. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit mabilis kong sinunod ang sinabi niya at naupo na nga.
We were silent in a while. Nakatingin lang siya sa'kin at mukhang pinoproseso pa kung ano ang nangyayari.
"Tell me what's happening,"
Great.
Bakit pa ba ako mangangamba? Sasabihin ko rin naman talaga sa kanya ang tungkol dito. Sumandal ako sa kinauupuan ko at tiningnan siya ng seryoso.
"Someone's threatening my life,"
Hindi nagbago ang expression ng mukha niya at nanatili na seryoso ang tingin sa'kin kaya pinagpatuloy ko na lang ang dapat kong sabihin.
"Sa tuwing may meetings ako lalo na sa labas, nararamdaman ko na may nakamasid sa'kin... na hanggang dito sa building ay nasundan na rin nila ako, pero hinarap ko sila--"
"You what?"
Mahina pero madiin niyang tanong.
I sighed, "Let me finish, okay?"
Sinunod niya rin naman at hindi na siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Tinanong ko kung bakit nila ako sinusundan, pero wala akong nakuhang sagot sa kanila. Ang sabi lang nila ay... may patuloy pa rin na nagmamasid sa'kin,"
Umigting ang panga niya dahil sa narinig. Pero pinili niya na hindi muna magsalita dahil alam niya sigurong hindi pa ako tapos.
"Then last week, someone's chasing me in the road,"
"Fuck..." bulong nito.
"Yeah, fuck."
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napaayos ako ng upo. Ngayon ko lang siya makita na magalit pero mukhang kalmado pa rin.
Iyon ang mas nakakatakot.
"Iyon ang dahilan kaya dumami na rin ang security dito sa building. Hindi ako pinapayagan ni Kuya na umalis mag-isa kaya lagi na rin nandito si Seth para bantayan ako,"
"Why you didn't tell me about this, Elaine?"
"I would... it's just..."
Hindi ko matuloy ang balak kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy na hindi kami masasaktan pareho.
Hindi na kami tuluyang iniwan ng problema. Tulad ng nararanasan ng karamihan na kapag masaya na, may kasunod din talagang masamang pangyayari, at eto na nga, nangyayari na siya sa'min ngayon. Ulit.
"It's my father, right?"
Natigilan ako. Alam na niyang nakalabas na ang ama niya? At alam niya ang ginagawa nito?
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...