Elaine's POV
"Bang! Bang!"
Binaba ko ang hawak kong pistol at hinintay ko ang target na makalapit. Kapag wala akong trabaho ay madalas akong nasa shooting range, isa na rin 'to sa naging libangan ko noon pa. Tinanggal ko ang suot kong safety glasses at earmuff.
Naramdaman ko na tumabi sa'kin si Seth, bumubuka ang bibig niya pero hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil may suot pa akong earplugs. Ayos din pala na may suot akong ganito nang hindi ko naririnig ang maingay niyang boses.
Naglakad ako patungo sa mga gamit ko at iniwan si Seth. Naramdaman kong nakasunod siya sa'kin at sa tingin ko ay nagsasalita pa rin. Pero ilang sandali lang ay hinawakan niya ang tenga ko at siya na mismo ang nagtanggal ng earplug.
"Ah, ganon? Kaya pala 'di mo ako pinapansin?"
Inirapan ko siya.
"Why are you here? Wala ka bang trabaho?"
"Wala. Kaya nangingialam ako sa trabaho mo,"
I looked at him, ngumiti siya sa'kin na pati ang mga mata niya ay nakangiti na.
"I talked to your secretary earlier... ang sabi niya ang nag-email daw ang PhFW sa'yo. Hindi mo pa rin ba tinatanggap?"
Isang buwan na ang nakalipas simula noong umattend ako ng mga events sa iba't ibang bansa. Ganon siguro talaga kabilis ang panahon kapag hindi mo na masyadong iniisip kung ano ang nangyari.
And come to think of it, hindi ko na rin naman kailangan mangamba sa mga offer sa'kin sa Pilipinas. Pagkatapos ng naging trabaho ko noong nakaraang buwan doon ay mas lalo pang umingay ang pangalan ko.
Hindi ko na kailangan pang matakot.
"Tell Sancha to accept the offer. And the whole team to get ready for the preparations,"
Sandali siyang natahimik at mukhang pinoproseso ang sinabi ko.
"Tinatanggap mo na? Uuwi ulit tayo?"
Kumunot ang noo ko, "Anong tayo? Hindi ka kasama."
Tumaas ang kilay niya at krinus ang magkabilang braso tsaka humarap sa'kin.
"Hoy, Ella. Magkadikit na ang bituka nating dalawa kaya hindi tayo pwedeng maghiwalay, kaya sasama ako!"
Kinasa ko ang pistol na hawak ko kaya mabilis siyang umatras palayo sa'kin tsaka itinaas ang dalawang kamay niya sa ere.
Bumalik kami sa Pilipinas ng buong team ko after one week. Dahil nga tinanggap ko ang offer ay mabilis na kumalat ang balita. Sinalubong kami ng iilang media dito sa airport hanggang papunta sa building na kung saan gaganapin ang Fashion Show.
Sinalubong kami ng mga nagtatrabaho doon. Pinakilala ko ang buong team ko pati si Seth. Hindi ko talaga siya napigilan na huwag sumama sa'kin kaya hinayaan ko na. Nagkaroon ng maikling meeting para sa gusto kong proseso.
Paulit-ulit nilang binabanggit sa'kin kung gaano sila kagalak na tinanggap ko ito. Masaya rin naman ako sa naging desisyon ko. Nang makumpira nga na ako ang designer para sa ngayong taon na PhFW, ay mabilis din na sold-out ang mga tickets na mas ikinatuwa ng mga tao dito.
Nagdaan ang kinabukasan at kailangan kong mamili ng mga magiging models para sa Fashion Show. Halos tatlong-daang tao daw ang naghihintay for the casting, sa totoo lang ay hindi ko 'yon inasahan. So, this is gonna be a long day.
Hindi ko na rin sinayang ang oras dahil isang buwan na preparasyon na lang ito. We already start practicing the walk on the runway, arranging the seating chart, ine-examine ko rin ang iilang designs na tinatahi.
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...