Chapter 12

4.7K 80 0
                                    

Elaine's POV


It's already 7pm nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko para tuluyan na akong makalipat sa apartment ko sa Los Banos.

Humuling sulyap pa ako sa kwarto ko. Hindi ko akalain na ganito kabilis ako aalis dito.

Bago pa iyon magtagal ay isinarado ko na iyon at bumaba na. Sa sala ay nandon si Arturo at Mama, sa kusina naman ay nakita ko si Queenie, ngayon ko na lang siya ulit nakita dito.

"Ito, Elaine,"

Nilingon ko ang nagsalita na si Arturo na ngayon ay inaabot sa akin ang isang credit card.

"I have my own."

Tumango siya, "I know. Pero ayos din na may extra card ka."

"Hindi na."

"Hindi mo na tinanggap ang condo kaya kahit ito na lang tanggapin mo na."

I looked at them. Puno ng pagmamakaawa ang mukha niya kaya wala na akong nagawa at tinanggap na lang iyon na ikinaluwag siguro ng loob niya.

"Mauna na ako."

"Okay na ba? Wala ka na bang ibang naiwan?"

Tanong ni Mama. Hindi ko maramdaman kung concern ba siya sa akin o masaya siyang aalis na ako dito. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho lalo't gabi na."

Bago ako lumabas ng bahay ay nakita ko si Manang na nakatingin sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. Magkahawak ang pareho niyang kamay habang malungkot na nakatingin sa akin.

Humuling sulyap pa ako kay Queenie na ngayon ay nakita ko ang pag-ngisi. Nang mapansin niya na nakatingin ako ay tsaka siya umiwas ng tingin at sumimangot.

Psh, sa ngayon ay nanalo ka, pero sa susunod ay hindi na kita hahayaan.

Tinulungan ako ni Arturo sa dalawa kong maleta at siya na ang naglagay nito sa trunk ni Asul, hindi na ako lumingon pa ulit sa kanila habang pasakay sa kotse ko at nagsimula nang magmaneho.

Hindi pa alam ng Kuya ko na umalis ako ng bahay. Dahil ayoko lang sabihin sa kanya.

Gabi na kaya medyo madilim na ang kalsada. Puro poste na lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa daan. But, I really like driving especially in night. I feel like I'm communicating with lights.

Kalahating minuto lang ang itinagal ng byahe total ay wala rin namang traffic.

Pinark ko si Asul at lumabas na para kunin ang mga gamit ko. Natigil ako nang may bumisina kaya lumingon ako doon. Sa malayo ay nakita ko ang isang truck na nakaparada at katabi naman nito ang isang pulang kotse na Ford. Bumisina pa ito ng isang beses kaya halos mapatalon ulit ako sa gulat.

Lumabas don ang animal na natatawa pang nakatingin sa akin. I raised my middle finger at him kaya mas lalo siyang natawa.

Nilabas ko na ang mga maleta ko at lumapit na sa akin si Anjo. He's wearing a black t-shirt and jeans.

"Bakit ka andito?"

"Good evening din, Elaine. Tutulungan nga kita diba?"

"Tsaka bakit may truck jan? Ano? Lumayas ka din?"

Bahagya siyang natawa, "Bumili ako ng mga furniture mo at nasa loob iyon ng truck na yan."

Kumunot ang noo ko. Nilingon ko ulit ang truck at tsaka ko lang narealize ang tatak nito na galing nga sa isang furniture shop.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon