Chapter 8

5.5K 101 1
                                    

Anjo's POV


Kitang-kita ko sa kanya na sobrang excited siya na papunta kami ulit ngayon sa penthouse. It's her favorite place since the first time I brought her there.

Pagmamay-ari namin ang penthouse na iyon, my Dad brought it for our family. Pero hindi namin ito masyadong nabibisita dahil busy kami sa kanya-kanyang schedule.

At si Elaine ang unang nakapunta dito kahit hindi siya myembro ng pamilya namin.

I just... don't know.

Dati kasi nung ayaw niya umuwi ay hindi ko alam kung saan siya pwede dalhin para maaliw siya... at naisip ko 'tong penthouse namin. Hindi naman nasayang ang pagkakataon na yon dahil gustong-gusto niya doon.

After an hour of driving, we can already see the waves of the beach. Lumingon ako kay Elaine at sobrang kalmado lang ng itsura niya.

Pinark ko na si Asul sa tabi at sabay na kaming bumaba ni Elaine. Iilan sa mga tao dito ay binati ako at binati ko rin sila, when we entered the building ay mas mabilis pa sakin si Elaine na pumasok sa elevator.

Hinayaan ko lang siya at hindi rin maitago sakin na masaya siyang makitang ganito... na walang dalang problema kahit sa saglit lang.

We already reached the top floor, pagkabukas ng elevator ay sumalubong na sa amin ang penthouse. Mabilis na naglakad si Elaine papasok at dumeretso sa glass door papunta sa balcony at binuksan iyon para tingnan ang tanawin.

"Haaaaay, I really love here," saad niya.

The penthouse was large. It has a high ceiling for the whole huge living area. The theme color is just beige, ito ang napili na kulay ni Mommy para mas komportable tingnan sa mata.

The walls were glass windows overlooking the beach here in Laguna. The wall are near the floating stairs with the color combination of brown and wooden. Iilang sofa at couch ay kulay puti at itim. Ang coffee table sa harap ay mga wooden din.

Dumeretso ako sa kusina at tiningnan kung may pwede ba kaming makain o inumin.

May caretaker kami dito sa penthouse kaya kapag nabibisita kami dito ay kumpleto pa din ang mga gamit at mga kakailanganin namin.

"What do you want? Coffee? Tea?"

"Kahit tubig lang," saad niya.

Binuksan ang ref at kumuha ng dalawang mineral water. Lumapit ako sa kanya na nasa balcony pa din, tumabi ako sa kanya at inabot ang tubig. Agad niya rin itong kinuha pero hindi pa din niya maalis ang tingin sa tanawin niya.

And... I can't stop staring at her.

Matangkad si Elaine kesa sa mga normal na height ng mga babaeng kilala ko, halos magkasing-tangkad na kami kung tutuusin.

Ang uniform kasi nilang high school ay long sleeve, pero dahil pasaway siya ay lagi niyang tinitiklop iyon hanggang sa siko niya. Makikita mo din kung gaano kaluwag ang necktie niya lagi, ang palda nila na dapat hanggang tuhod lang pero dahil sa haba ng legs niya ay lagpas tuhod sa kanya... and she usually don't wear school shoes, instead, she's always wearing casual shoes.

She has fair skin, her hair is always in a ponytail, pero kapag nakalugay ito ay kitang-kita kung gaano kahaba at kaganda ang buhok niya, it's just a simple wavy but it suits her face. Her dazzling eyes, not-so-pointed nose, red lips. She's not the type of girl who uses make-up. Natural kumbaga. Napansin ko iyon kapag tinititigan ko ang mukha niya.

Hindi siya yung tipong babae na kailangan ng kolorete sa mukha... because she has that natural beauty of her.

Nalipat ang tingin niya sa akin at nagkatinginan kami. Mas lalo ko tuloy hindi maiwas ang tingin sa kanya.

"Ano? Crush mo na ako?"

I smirked at iginala ang tingin, "Malakas ba ang hangin dito o yung katabi ko 'yun?"

She didn't react. Nilipat niya na lang ulit ang tingin sa tanawin at ganon din ako. Kitang-kita ang paglubog ng araw dito, I deeply sigh.

The sun kisses the ocean for a good night.

"Bakit hindi ka na lang dito mag-stay?"

Doon ko nakuha ang atensyon niya. Lumingon din ako sa kanya, ilang sandali lang ang gulat sa mukha niya at nawala rin iyon.

"Kahit gustong-gusto ko dito, ayoko naman umasa sa'yo."

"You will leave your own life here. Wala namang tao dito lagi kaya pwedeng-pwede ka dito... hindi yung maghahanap ka pa ng apartment. Mahihirapan ka pa."

"Tch. Hindi na. Mas gugustuhin ko lang tumambay dito kesa manirahan. Kapag nasanay ako baka hindi na ako umalis dito, sige ka."

I chuckled, "Edi mas maganda. Mas lalo ka nang walang kawala sa akin."

Iritado siyang tumingin sa akin kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. Napailing na lang siya at tsaka umiwas ng tingin.

"At tsaka... sinabi ko na sa sarili ko na ayokong umasa sa ibang tao tungkol sa paglipat ko. I know that... I can handle myself alone."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa.

I know she's a tough girl outside, but deep inside her is just soft.

Why is everyone mocking her as a bad person?

Kasi alam kong ganon lang ang pinapakita niya ugali para ipagtanggol ang sarili niya... dahil siguro ay naiisip niya na wala na siyang iba pang kakampi kundi ang sarili niya.

Alam kong hindi pa niya nakikita iyon sa ngayon, but I feel that one day she will see her own worth.

Because she's a mess of gorgeous chaos... and you can see it through her eyes.

I just know it. That this woman beside me is gonna be important to me.

Masaya ako na makita siyang masaya. Kahit sa ilang sandali lang ay makalimutan niya ang mga problemang hinaharap niya... dahil sobrang dami na niyang pinagdaanan na mag-isa.

I want her to feel that she's not alone in this battle... because she have me.

At sasamahan ko siya sa kahit na anong problemang haharapin niya.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Where stories live. Discover now