Chapter 31

2.7K 52 2
                                    

Elaine's POV


Natapos din ang trabaho ko. I finished the four gowns in two weeks and of course, with the help of the Patchburry. Hindi rin pala talaga masama na tinanggap ko ang offer na 'to.

Sa huling araw namin ni Seth dito ay doon namin naisipan na umalis, and we spent a day at my brother's house. Tsaka kami lumipad pauwi sa Canada.

Weeks later, umattend ako ng event sa France. There's a lot of people there, businessman, designers and other elite people. Every year itong nagaganap but it's my first time attending here. Kasama ko ang team ko pero ako lang mag-isa ang aattend sa event.

Tumigil ang limousine sa tapat ng isang engrandeng hotel dito sa France. Pinagbuksan ako ng pinto at saktong pagbukas nito ay sumalubong sa'kin ang sari-saring flash ng bawat camera sa paligid. I stopped for a moment to pose and smile, then I walked through the red carpet.

I'm wearing a white slit dress with ankle strap stiletto heels and my hair was styled in loose wavy, I'm a lady with a red lips.

May iilang reporters sa entrance kaya nagkaroon pa ng sandaling interview hanggang sa tuluyan na akong makapasok sa loob, at madami na rin ang tao. Ilang sandali lang ay nagsimula na rin ang program.

May iilang designers ako na nakausap, as years passed by, natuto rin ako kung paano makipag-communicate sa tao... dahil ito ang unang-una na kailangan sa trabaho ko. May lumalapit na waiter sa amin para magbigay ng wine at kumukuha naman ako doon, tapos malilipat na naman sa iba ang atensyon ko para makipag-usap.

Ininom ko ang wine na hawak ko nang sandali ay nawalan ako ng kausap, nilibot ko ang paningin ko sa buong venue. Hanggang sa matigil ang paningin ko sa isang pamilyar na mukha.

Kumunot ang noo ko. Sanhi ba 'to ng wine? Hanggang sa tuluyan nang magtama ang tingin naming dalawa.

Shit. What is he doing here?

He's wearing a black suit and his usually clean cut hair. Masyadong nagtagal ang tingin ko kay Anjo hanggang siya na mismo ang unang umiwas nang tingin nang may lumapit sa kanya at nakipag-usap.

Mabilis rin natapos ang event na 'yon kaya umuwi na agad ako sa hotel na tinutuluyan ko. Pagkapasok ko sa suite ay naabutan ko ang mga kasama ko na kumakain at ang ilan ay nag-iimpake para sa susunod namin na byahe. Bukas kasi ay may event naman sa Barcelona.

Hindi ko maintindihan. Bakit nasa ganitong event siya?

Hindi ko na iyon ulit inisip pa dahil kailangan ko pa magpahinga para sa susunod na flight.

Nagpunta kami kinabukasan sa Barcelona. Ngayon ay para sa mga fashion designers ito kaya lahat ng atensyon nila ay nasa amin. I walked through the runway while wearing black long sleeve blazer dress and platform black heel boots, nilagyan ako ng extension ng hairstylist ko and itinali iyon.

Ang daming interviews na nangyari. Bawat lakad ko ay may kasunod na reporter na magtatanong. After that non-stop interviews ay dumiretso ako sa bar. I ordered whiskey to calm my mind. Ewan ko rin, kapag tumatanda talaga siguro ay alak na ang ginagamit na pampakalma.

Nakakadalawang baso pa lang ako nang may mamataan ako sa dulo ng bar counter. This time, alam kong hindi ako nagkakamali. Anjo's here... again.

Really? What the hell?

Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako dahil may lumapit sa kanya na isang model kaya natuon ang pansin niya don. Umirap ako at nilagok ang whiskey. 

"Miss Elaine Santiago?"

Nalipat ang tingin ko sa tumawag sa'kin. Pinilit kong pakalmahin ang itsura ko nang makilala ko ang isang 'to, he's Ulysses Hermann, one of the successful model for the fashion industry. Alam ko ay Filipino-German siya.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon