Chapter 38

2.7K 45 0
                                    

R-18! Read at your own risk.

-------------------------------------------

Elaine's POV


Ayoko nang tumakas. Ayoko nang lumayo. Sa ngayon, gusto ko nang magsimula ng bagong yugto ng buhay ko.

Magkasama kaming kumain sa labas ni Kuya at ni Seth. Dahil huling linggo na raw namin dito ay nilibre kami ni Kuya.

"I'm going to stay here."

Natigil sa pag-uusap si Seth at Kuya at nalipat pareho ang tingin sa'kin.

"What did you say?"

"Mananatili na ako dito."

Mas lalong lumabas ang pagkagulat sa mukha nila pareho, nagkatitigan sila at binalik ulit ang tingin sa'kin.

"Are you serious?"

"I am,"

"Yes!!!" pagsigaw ni Seth.

Lahat tuloy ng tao dito sa resto ay napalingon samin. Napairap na lang ako.

"Hindi ka kasama," saad ko.

Napalitan ng simangot ang lawak ng ngiti niya, "Anong hindi kasama? Ang sabi ko sa'yo magkadikit na ang bituka--"

"Edi mag-ayos ka ng sarili mong papeles."

"Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo at kaya kong mag-ayos ng sarili kong dokumento!"

Kumunot ang noo ko, "Edi maiwan ka sa Canada! Sawang-sawa na 'ko sa mukha mo!"

He gasped. Ibinaba niya ang hawak na kutsara't tinidor. "Talaga!"

"Oh, talaga!"

May namumuong kidlat sa tinginan naming dalawa ni Seth at tsaka namin inirapan ang isa't isa. 

Narinig na lang namin ang pagtawa ni Kuya Jace.

"Stop it, kids."

Pareho kaming nakabusangot ni Seth nang magtama ang tingin namin. Inirapan ko siya at inabot ang iced tea para inumin.

My brother tapped my shoulder and smiled.

"Good for you, sis."

I sigh. From now on, I should worry less about anything and focus now in the present.



Patungo na kami ngayon sa airport dahil ito na ang flight ko pabalik sa Canada, aayusin lang namin ang mga naiwan doon at tsaka babalik na dito. Pinilit ako ni Anjo na ihatid kaya wala na rin akong nagawa.

Hanggang sa natanaw ko na ang airport. Huminga ako ng malalim at tsaka nilingon si Anjo.

Pinarada niya ang kotse sa gilid at nilingon din ako. He smiled and I smiled back. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan niya 'yon.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

"Ayaw mo na umalis 'no?"

Umirap ako pero binalik ulit ang tingin sa kanya. I... still can't believe that we're here. We're finally here.

"Why did you choose me?"

Hindi siya agad sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin.

"Because... you're you." he smiled, "You're still that Elaine that I fell in love with years ago... Hindi ka naman nawala diba?"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko at mas tinuon ang tingin sa'kin.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon