Chapter 27

3.2K 52 2
                                    

Elaine's POV


Nakatingin lang ako sa lalaking nasa harapan ko habang nagbabasa siya ng magazine. Inaayos kasi ni kuya ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko. Bigla akong nailang nang nagtama ang mga mata namin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Are you okay?"

Ayan. Nakita ko na naman ang pag-ngiti niya. Flexing his teeth?

"Bakit ka ba ngiti ng ngiti jan? Baliw ka ba?"

"Bakit ba ang sungit mo?"

Hindi ko siya pinansin dahil nagsisimula na akong mairita sa kanya. Sino ba kasi talaga siya at bakit siya nakikitira kasama ang kuya ko?

"I'm Seth, let's be friends."

"Hindi ako interesado."

Pero kahit ganon, nakuha pa din niyang ngumiti sa akin. Tumango siya at hindi na tinuloy ang paglahad ng kanyang kamay sa akin. Nakita ko si Jace na kakalabas lang ng kwarto kaya tumayo na ako at nilapitan siya para makalayo na rin sa Seth na 'to.

"Can I take a rest now?"

"Yes, naayos ko na rin naman ang kwarto mo. If you need something, nandito lang ako sa labas, okay? Rest well, baby."

Hinalikan niya ang noo ko at pumasok na rin ako sa loob ng kwarto ko. White and gray ang theme ng color ng kwarto. Maganda siya tingnan, hindi masakit sa mata.

Hinubad ko ang boots ko pati ang jacket, I took a shower first at halos magningning ang mga mata ko nang makita ko na may bathtub, balak ko sana magtagal pa na magbabad pero sa pagod ko ay binilisan ko na lang at tsaka ako humiga sa kama. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at antok ay nakatulog na ako ng walang alanganin.

Pagkamulat ko ng mata ko ay may nakabalot na comforter sa akin, pagkatingin ko sa wall clock ay alas syete na pala ng umaga, hindi ko namalayan na ganon kahabang oras ang natulog ko, at siguro ngayon ay nasa trabaho na si Jace.

Niligpit ko ang higaan at lumabas na ng kwarto, nakaramdam ako ng gutom. Walang tao, ah? Wala rin ba dito ang lalaki na iyon?

Nagpunta ako ng banyo para maghilamos. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng kainin dito, hindi man lang ako nasabihan ni Jace. Pumunta ako ng kusina at chineck ko ang ref pero wala akong makita na pwedeng kainin dahil puro cake ang nakikita ko.

"Hungry?"

Napatalon ako ng marinig ko iyon, sinarado ko ang ref at humarap sa kanya. Nakasandal siya sa may pader at nakacross-arms habang nakangisi sa akin. Ang manyak ng ngiti ng isang 'to.

"Kain tayo sa labas?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero nakangisi lang siya sa akin. Isn't it so weird? Kakakita pa lang namin kahapon at alam ko naman na ramdam niyang iritado ako sa kanya pero yayayain niya pa rin ako kumain? Sa labas?

"Doon ako lagi kumakain ng breakfast kaya tara na."

"No."

Nasa deluxe hotel kami. Ibig sabihin ay may breakfast naman siguro dito. Or pwede naman akong magpatawag ng room service. Tama, 'yon naman talaga siguro kaya walang pagkain dito sa ref.

"Hindi mo gugustuhin mga pagkain dito sa hotel. Ako kasi, ayoko eh."

Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya, that's so out of nowhere, nabasa niya ba yung naiisip ko para sabihin niya 'yon?

"Kung gusto mo mabusog, sumama ka sa akin."

Kalalaking tao, ang kulit! Hanggang sa lumapit na siya at hinawakan niya ang braso ko at pilit akong hinihila. Pinalo ko ang braso niya kaya napabitaw siya sa akin at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon