Chapter 39

2.6K 47 0
                                    

Elaine's POV


"Wow... you're all over the news,"

Tiningnan ko siya at nakatuon ang tingin niya sa phone niya. Hindi rin nagtagal ang tingin ko dahil nagmamaneho ako.

"Everywhere I go, I see your face."

Umirap ako. Binasa pa niya ang ilang article tungkol sa balita na pananatili ko dito sa Pilipinas. Tatlong araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay kumakalat pa rin ito.

"Sikat na sikat ka ah... baka naman dumami ang kaagaw ko nito sa'yo?"

"Madami naman talaga,"

"Ano?"

I turned to him when I heard the seriousness of his voice. I just laughed when I saw his serious face and looked back at the road.

"Well, sorry na lang sila, akin ka na eh," saad niya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. But somehow, it's cute.

We are now going to a building in Makati to see what my office will be. It's just a five-storey building but I think it's enough for me.

Pinag-usapan na rin namin ito ni Anjo noon pa kahit noong nasa Canada pa ako at nagvi-video call kami, ilang beses niya akong sinubukan na sa DG Corp. na lang manatili pero hindi ako pumayag.

I know that we're in a relationship now but when it comes to work, we need to focus on our own career.

We can support each other on a different ways. On our own ways.

Nang makarating kami ay sinalubong din kami ng isang staff.

"Welcome, Miss Elaine. It's nice to finally meet you."

Tumango ako at nginitian siya. "Thank you."

Nakita ko na nalipat ang tingin niya kay Anjo na nasa tabi ko lang.

"Welcome... Sir."

Nilingon ko si Anjo at nakita ko na ngumiti lang siya. Nilipat ko ulit ang tingin sa babae at hindi na maalis ang tingin niya kay Anjo.

Mukhang ako yung maraming kaagaw ah?

"Let's proceed?" saad ko.

Tsaka lang niya naibalik ang tingin sa'kin. "Y-yes, ma'am! This way,"

Tumalikod na siya para maglakad patungo sa loob. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Anjo at naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko.

"Ang sungit mo naman, Miss."

Matalim ko siyang tiningnan mula sa gilid. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at naglakad na para iwan siya doon.

Nakarating kami sa fourth floor at pumasok kami sa isang pinto, pagkapasok namin ay bakante ang loob. Ito siguro ang magiging opisina ko.

Una naming sinigurado ang magiging ayos, kung ano ang mga gusto kong ipabago o ipadagdag.

Habang kausap ko ang staff ay hinanap ng paningin ko si Anjo, at nakita ko siya malapit sa bintana at chinecheck ang mga locks. Hindi ko napigilan ang mapangiti.

I almost forgot that this man is obsessed with locks.


Hindi ko na sinayang ang mga araw, habang inaayos namin ang bago naming opisina ay nagsimula na rin akong tumanggap ng mga clients.

Usually when I have meetings in a public place like coffee shops, the people watching are okay with me. I can no longer blame them.

But now... it feels different...

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon