Chapter 19

3.6K 75 0
                                    

Elaine's POV


Sa unang pagkakataon, ako ang nagyaya kay Anjo na kumain kami. Mukhang hindi niya rin inasahan dahil hindi siya agad nakasagot habang kausap ko siya sa telepono.

"Ayaw mo ba?"

"G-gusto ko! Bili lang ako tapos punta na ako sa likod ng gym."

"Hindi. Doon tayo sa field."

Ang tagal na naman niya bago makasagot. Umirap ako kahit alam kong 'di naman niya nakikita.

"Bilisan mo ha!"

"Okay..."

Hinintay ko nga siya sa field. May iilan na mga estudyante dito na nakatingin sa akin na nagtataka siguro kung bakit ako nandito. Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin at hinintay si Anjo.

Mabilis din siyang dumating habang may dala na mga tray. Binilhan niya ako ng carbonara with garlic bread and orange juice. Alam niya talaga ang paborito ko.

Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Ano ang trabaho ng Papa mo noon?"

Nalipat ang tingin niya sa akin, "Si Papa?"

Tumango ako at sinubo ang garlic bread. Nagtataka pa ang mukha niya dahil sa tanong ko.

"Marketing Manager siya dati. 7 years din na ganon ang trabaho niya. Hanggang sa ma-promote siya bilang President."

Napaisip ako. Tsaka ko naalala yung dahilan ng bakasyon namin noon, dahil mapo-promote si Papa bilang President sa kumpanyang pinapasukan niya.

At magkatrabaho ang Papa ko at ang Papa nito noon.

So, sa kanya napunta ang promotion bilang President nang mawala si Papa?

"Then after 3 years, tinayo na niya din ang DG Corp., na hanggang ngayon, siyam na taon na at sobrang successful pa rin."

Nakangiti siya habang sinasabi iyon. He adores his father that much, eh?

Nalipat ang tingin niya sa akin.

"Bakit mo pala natanong?"

"Wala lang."

Naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Magsasalita na dapat siya kaso isinubo ko sa kanya ang garlic bread kaya hindi na siya nagsalita pa.

Pagkatapos namin mag-usap ay hindi ako dumeretso sa classroom, kundi sa likod ng gym. Wala ako sa mood para pasukan ang klase ko dahil gusto kong mag-isip.

Bago pa ako makalapit doon ay nakita ko ang grupo ng kalalakihan na parang may inaabangan. Dahan-dahan akong lumapit at tsaka ko sila namukhaan, ilan ito sa mga naghahabol kay Queenie. Ano na naman bang pakulo ng bruha na 'yon ngayon?

Nang mapansin nila ako ay tsaka sila naalerto. Pero wala ako sa mood para pansinin pa sila. Lumapit ako sa bench tsaka umupo, nakita ko kung paano sila nag-atrasan nang makalapit ako.

"H-hoy, babae!"

Nalipat ang tingin ko sa nagsalita. Hinintay ko siya magsalita pero nagtuturuan pa sila kung sino ang unang magsasalita.

"Alis nga jan! Ako na haharap mga duwag kayo!"

Tiningnan ko kung sino iyon at lumabas sa likod ang isang pang malaking lalaki.

"Tumayo ka," utos niya sa akin.

"Ano?"

Ngumisi ito at dahan-dahan na lumapit sa akin habang nakapamulsa ang magkabilang kamay niya sa pants nito.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon