Chapter 33

2.7K 47 0
                                    

Elaine's POV


After one month and a half of preparations, the day has come. My first Philippine Fashion Show.

It's already four o'clock in the afternoon when I arrived in the venue. Nandito na ako kaninang umaga for the preparations pero umuwi ulit ako sa hotel para maghanda. 5pm pa naman ang start kaya mache-check ko pa ang kailangan pang ayusin.

Lumabas ako sa kotse, wearing a long coat covering my whole body. Sumakto kasi na umuulan.

Inasahan ko na ang dami ng tao sa labas ng venue kaya pagkakita nila sa'kin ay naagaw ko ang pansin nila at tinapat nila sa'kin ang mga hawak nilang camera.

Habang naglalakad ako ay napansin ko ang paraan ng pagtitig nila sa'kin, dahil siguro sa suot ko. Psh.

Dahan-dahan kong hinubad ang long coat at inabot 'yon kay Sancha.

Dahan-dahan kong hinubad ang long coat at inabot 'yon kay Sancha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Everyone was in awe as silence was made in the air. And then the soft gasps and whispers were overheard from the crowd after I took off the long coat. I'm now aware that everybody was enjoying my own show.

When I entered the venue, sumalubong sa'kin ang dami ng tao at photographers. I have to entertain some of them and to have interviews kaya medyo matagal bago ako tuluyang nakapasok.

Napukaw ng paningin ko sa hindi kalayuan si Anjo, hindi naalis ang tingin ko sa kanya habang siya ay busy sa pakikipag-usap sa iba ring tao. He's wearing a dark blue suit and light blue shirt inside with brown shoes.

Nalipat ang tingin niya sa'kin kaya nagtama ang tingin namin. Bumalik ang tingin niya sa kausap at ilang sandali lang ay naglakad na paalis, mukhang palapit sa'kin.

Pero bago pa siya makalapit ay may humarang sa harap ko.

"Congrats, Elaine."

Nawala na ang tingin ko kay Anjo kaya nalipat ang tingin ko kung sino man ito. Kumunot ang noo ko, pero mabilis din itong napalitan ng gulat.

"Ulysses?"

Ngumiti siya ng malawak, "It's nice to see you again,"

"How... did you come here?"

"By airplane?"

Hindi ako nagsalita. Ngumiti siyang muli nang mapansin ang katahimikan ko.

"Just kidding. When I got the news that you will have the fashion show here, I already had a flight booked. So, I didn't waste this opportunity to attend. And plus... I want to see you again,"

Tumaas ang kilay ko. Mas lalo siyang natawa dahil sa reaksyon ko.

"Well, thank you for coming. I hope you'll enjoy the show."

"Of course!"

Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya kaya ngumiti na rin ako. Doon ko lang napansin na ang daming camera na nakatutok sa'min ngayon. Sigurado akong pag-uusapan na naman kaming dalawa nito. Isang Ulysses Hermann lang naman ang natagpuan sa Pilipinas para lang umattend sa isang pangkaraniwan na fashion show.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon