Chapter 30

2.7K 51 2
                                    

Elaine's POV


Kinabukasan ay nagsimula na akong magtrabaho. Kasama ko na si Seth ngayon at hindi ko na siya hinayaan na mapunta pa kung saan-saan.

Nandito ulit kami sa office ng Patchburry Vintage. Sinimulan na namin pag-usapan ang ilang designs, mabilis rin akong nakakapag-sketch dahil nandito na rin ang ilang mga models na magsusuot ng gagawin kong gowns.

Nagsimula na akong magtahi at tinutulungan ako ni Seth, dahil lagi niya akong tinutulungan ay natututunan na rin niya ang mga ilan sa mga ginagawa ko.

Naka-focus lang ako sa mga ilang detalye pa na gusto kong idagdag hanggang sa may kumatok sa pinto. Hindi ko 'yon pinansin dahil ayoko naiistorbo kapag nag-iisip ako. Kumatok pa siya ng isang beses at tumayo na si Seth para pagbuksan ito ng pinto, bumungad sa amin ang isa sa mga tauhan dito sa Patchburry.

"Miss Elaine? May tawag po sa inyo,"

Nalipat ang tingin ko sa kanya at bahagya siyang nagulat. 

"Ang sabi ko ay ayokong naiistorbo lalo na kapag oras ng trabaho ko,"

"Uh... Miss... emergency daw po. From Jennifer Luna po,"

Kumunot ang noo ko at nalipat ulit ang tingin sa kanya. Nagkatinginan kami ni Seth at mabilis niyang iniwas ang tingin sa'kin at tsaka nagpatuloy sa ginagawang paggupit ng mga tela. Ilang beses akong napabuntong-hininga at tsaka na kinuha ang telepono na hawak niya.

"Hello? Elaine? Elaine!!!"

Napapikit ako. Here it is.

"What?"

"OMG!!! You're here in Manila?! And you didn't tell me?"

Nalayo ko sa tenga ko ang telepono na hawak ko, hindi pa rin talaga nagbabago at sobrang lakas pa rin ng boses niya, "We actually don't talk for almost four years, Jen."

"Oo! Hindi tayo nag-uusap dahil ayaw mong sumagot sa messages ko! Bruha ka!?"

"I'm here for my work. Bakit tayo magkikita?"

Narinig ko ang pag-singhap niya, "Gosh, you still have that attitude pa rin after all these years! Magkita tayo!"

"I'm busy."

"Pretty, please? Hindi mo ba ako namiss?"

"No."

"Wow, cold hearted! Sige, ako na lang ang pupunta jan!"

"You don't even know where I am--"

"Baka nakakalimutan mong sikat ka at may social media! I know you're staying at Costa Mastic and working in Patchburry Vintage!"

Hindi na ako nakapagsalita. Pitong taon na nakalipas pero nasa kanya pa rin ang pagiging makulit. Nalipat ulit ang tingin ko kay Seth na busy pa rin sa ginagawa... tumingin ako sa relo ko at tsaka bumuntong-hininga.

"Fine, I have an hour."

"Yes!!!"

Bago pa masira ang eardrums ko ay binaba ko na ang tawag. Inayos ko ang ilan sa mga gamit ko at kinuha ang handbag ko.

"Aalis muna 'ko."

Lumingon sa'kin si Seth, "Ha? Saan ka pupunta?"

"Basta. Dito ka lang at tapusin mo yan. Babalik din ako."

"Di ako pwede sumama?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaayos ulit siya ng pagkakaupo.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon