Elaine's POV
Nakalabas din ako ng hospital after two days. I need to stay longer actually, pero sa loob ng dalawang araw ay hindi ko na kakayanin ang sarili ko na nandon kaya nagpasya na akong umuwi dito sa apartment.
Limang araw na ang nakalipas at nandito pa din ako at nagpapahinga. Unti-unti nang gumagaling ang katawan ko at nakakalakad na rin ako ng maayos... pero kahit nandito na ako sa apartment ay hindi naman tumitigil si Anjo sa pagbisita sa akin. Kung hindi siya, ay si Jen naman. Minsan ay silang dalawa ang nambubwisit dito sa akin.
It's already 1pm at hindi pa pala ako nakakapaglunch. Nasa kusina ako para maghanda ng makakain nang may narinig akong katok sa pinto.
At magsisimula na nga masira ang araw ko.
"Knock, knock!"
"Who cares?"
Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto agad. Pero nakailang katok na siya at wala talaga siyang balak itigil yon hangga't hindi ko binubuksan!
Padabog akong naglakad papunta sa may pinto, nang buksan ko ito ay halos katukin niya na din ang mukha ko kaya mabilis niyang naibaba ang kamay niya at ngumiti sa akin.
Nakasuot pa siya ng school uniform at mukhang dito pa dumeretso.
"Bakit ka nandito agad? Ala una pa lang?"
"Awarding lang naman ngayon kaya walang klase."
Umupo siya sa isang high chair at sinusundan ako ng tingin. Kinuha ko sa fridge ang mackerel fish, gusto ko talaga na niluluto 'to lalo na kapag grilled. Yun kasi ang favorite lutuin ni Manang noon sa akin kaya natutunan ko na rin.
"And so? Wala ka bang bahay at dito ka talaga dumeretso?"
"Eh bakit? Bawal ako pumunta sa apartment ng asawa ko?"
Iritado akong lumingon sa kanya na ikinangiti naman niya.
Baliw na talaga 'to.
"Kapag hindi mo pa talaga tinigil yang kakatawag mo sakin ng asawa, ikaw ipapalit ko dito sa isdang hinahasa ko ngayon,"
Itinaas niya ang pareho niyang kamay, "C-chill! Ibaba mo nga yang kutsilyo..."
Hindi ko namalayan na tinutok ko pala sa kanya 'yon habang nagsasalita kaya mabilis ko rin itong ibinaba kaya lumuwag ang paghinga niya.
Ilang sandali din siyang natahimik. Pero alam kong nangangati na ang dila niya at gusto na rin dumaldal. Lumingon ako sa kanya at bahagya pa siyang nagulat... I glared at him and sighed. Then I nodded to give him permission to speak.
"What's for lunch?" excited niyang sabi.
"Akala mo talaga papalamunin kita?"
"Psh... sungit."
Pinanood niya lang ako na magluto. Mabuti naman at tahimik lang siya na nakaupo doon at nakita ko na nakatuon din ang pansin niya sa phone niya. Mabilis din akong natapos magluto kaya nilagay ko agad ang grilled mackerel sa pinggan, sumandok ng kanin at nilapag iyon sa lamesa.
Nilingon ko si Anjo na umangat ang tingin sa akin nang mapansin niya na dalawa ang hinanda ko. Tumalikod ako para kumuha ng maiinom sa fridge at pagharap ko ay malawak na ang ngiti niya habang nakatingin sa niluto ko.
Naupo na ako sa isang high chair at magkaharap kami ngayon. At eto siya... hindi pa din gumagalaw.
"Ano? Susubuan pa ba kita?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...