Chapter 10

5.3K 95 0
                                    

Elaine's POV


Monday. It means... UPHSD Intramurals. Both college and high school.

Sabay talaga iyon dahil sa high school ay tatlong section lang naman per year kaya konti lang kumpara sa college na may mga varsities talaga per course. Kaya rin madaling-madali ang mga estudyante na matapos ang exams dahil sa event na 'to.

Pwes, ako... nagliligpit lang ako ng gamit at hindi ako aattend don.

Pero walang tigil din ang pagtunog ng phone ko dahil sa tawag ni Jen.

"Finally, after 46 calls sinagot mo rin!"

Narinig ko pa ang maingay na pagtunog ng drums, siguro ay nasa gym siya.

"What do you want?"

"Good morning din, Elaine! Saan ka na?"

"I'm not going."

"Anong hindi ka pupunta?!"

Nalayo ko pa sa tenga ko ang phone dahil sa sigaw niya. Napakalakas ng boses!

"Do I really need to attend that stupid event?"

"Of course! Tsaka may laro si Anjo, hindi mo ba papanoorin?"

"Hindi."

"Eh paano ako? May laro ako ng volleyball!"

"Mas lalo akong hindi manonood."

"Psh, pumasok ka na!"

Hindi ko siya sinagot at inaayos ang mga damit ko sa cabinet. Ang dami ko rin palang damit? Pero araw-araw ay hirap ako kung ano ang pipiliin kong suotin.

"Oh, shit."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Minura mo ako?"

"No! Mahal kita, okay?"

Umirap ako tsaka nagsimula ulit na ayusin ang mga damit ko.

"Sabay na pumasok si Colleen at Anjo sa court... talaga nga naman,"

Natigil ako sa pag-ayos ng damit dahil sa sinabi niya. Kailangan ba niya talagang sabihin pa sa akin yan?

"Hay nako, magsisimula na ang basketball game! Pumunta ka dito ah! Aasahan ko yan!"

Wala na akong nasabi dahil binaba na niya ang tawag. Nilapag ko ang phone ko sa table at inayos na ulit ang mga damit ko... pero habang tumatagal ay nawawalan ako ng gana mag-ayos.

Tsk.

Okay lang naman siguro pumunta kahit sa first day lang?

Nagmamaneho na ako papuntang school at malayo pa lang ako sa gate ay tanaw ko na ang madaming estudyante. Halos hindi ko na nga maipasok sa loob ng campus ang kotse ko dahil sa daming tao kaya itinigil ko na lang iyon sa tabi ng gate.

Bumaba ako at tsaka ko napansin na suot nila na intrams shirt na kulay pula, asul, dilaw at berde.

Ang team-up kasi sa highschool ay nahati sa apat. Blue Ravenclaw, Red Gryffindor, Yellow Hufflepuff, Green Slytherin. Dahil konti lang naman ang mga high school students kaya pinagsama-sama na sa isang team ang players simula 1st year to 4th year, depende sa kulay na nabunot mo.

May intrams shirt din naman ang mga college pero pare-pareho itong puti. Iba lang ang tatak depende sa course nila.

Nalipat ang tingin nila dahil sa pagdating ko... talagang mapapatingin ka dahil iba ang suot ko sa kanila. I'm wearing a black crop top, ripped jeans and black vans shoes. Wala na akong time para magpalit.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon